Kris Aquino leaves Aquino and Abunda Tonight; movie with Mayor Herbert Bautista pushes through

Kris Aquino related on Aquino and Abunda Tonight last night, September 25, that her Christmas wish is for her brother President Bengino Aquino III's candidate in the 2016 presidential elections.


Naganap kagabi, September 25, ang huling appearance ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa late-night talk show ng ABS-CBN na Aquino and Abunda Tonight.

Nauna nang ipinahayag ng 44-year-old TV host-actress sa press conference ng kanyang pelikulang Etiquette for Mistresses na lilisanin na niya ang programa dahil sa health issues na nangyari sa kanya nitong nakaraang buwan.

Read: Kris Aquino explains why she will leave A&A; says talk show to be reformatted as Boy Abunda Tonight

Matatandaang isinugod sa ospital ang Queen of Talk noong August 24 matapos tumaas ang kanyang blood pressure.

Read: Kris Aquino leaves hospital after sudden high blood pressure

Kagabi, muling ipinaliwanag ni Kris sa co-host niyang si Boy Abunda ang dahilan ng kanyang pag-alis sa nightly talk show nila.

Saad niya, “No, Boy, kasi alam mo naman, di ba? Kung last year, it was your year to be sickly, this year it has been mine.

“I don’t know why. Pero at least, di ba, di tayo nagsabay, okay na rin yun.

“Pero eksaktong a year, the day, halos talagang tumugma, yun yung time naman na ako yung ni-rush sa emergency room at talagang kinabahan na kaming lahat dahil noon, nag-200/110 ang BP [blood pressure] ko.”

Dagdag pa ni Kris, “Sinabi ng lahat na kaunti na lang, puwedeng may pumutok diyan, puwedeng na-aneurysm, it could have been a stroke. You don’t know.

“And then, it demanded a lifestyle change.

"Kasi, di ba dati, proud tayo talaga na, ‘Wow, I was able to work a 20-hour day.’

“Parang iisipin mong napakalaking achievement, not realizing that toll is taking on your body.”

Pagbabahagi pa niya, “Kailangan talaga daw, mayroong work and life balance, and that’s what I’m trying to achieve.”

Sinabi naman ni Boy na maraming espekulasyon ang pag-alis ni Kris sa A&A; na mag-aasawa na raw siya o mayroon siyang pinagdadaanang personal na problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin naman ng TV host-actress na nagkaroon siya ng problemang personal subalit naayos na ito.

Pahayag ni Kris, “I think tapos na, kasi natuto na akong mag-surrender kay God, mag-surrender sa universe.

"Mag-surrender sa mga desisyon na, di ba, I learned the serenity prayer."

Simula naman sa Lunes, September 28, ay mapapanood pa rin si Boy, subalit ang magiging title na nito ay Tonight With Boy Abunda.



MOVIE WITH BISTEK PUSHES THROUGH. Ibinahagi rin ni Kris sa unang pagkakataon na matutuloy na ang pagsasamahang pelikula nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Naunang ibinalita sa PEP Alerts noong September 17 na si Derek Ramsay na ang makakatambal ni Kris sa pelikula.

Subalit ayon sa Queen of All Media, si Mayor Herbert na muli ang makakatambal niya at sigurado na itong makakasama sa mga kalahok para sa Metro Manila Film Festival.

Iba na rin daw ang magiging title nito at hindi na Mr. And Mrs. Split.

“Yes, iba na yung title.

"Ayaw natin ng split sa Pasko, gusto natin love, love, love.

"So, Pamilyang Lab, Luv, Love!”

Ito rin daw ang unang pagkakataong magkakatrabaho sila ni Mayor Herbert sa isang proyekto.

“Yes, I think so. I don’t know kung [noong] kabataan namin we worked together, pero feeling ko, ito talaga yung first.”



KRIS WANTS MAR TO WIN. Sa huling bahagi naman ng panayam ni Boy kay Kris, binigyan niya ito ng fast talk questions, na lagi niyang ginagawa sa talk show.

Isa sa mga naging katanungan ni Boy ay: “Complete the sentence: All I want for Christmas is...?”

Sagot ng Queen of All Media: “For Noy’s candidate to win.”

Hindi pinangalanan ni Kris kung sino ang kanyang tinutukoy subalit pormal nang inendorso ng kanyang kapatid na si Presidente Benigno Aquino III si Secretary Mar Roxas sa pagtakbo nito bilang presidente sa 2016 elections.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: PNoy anoints Mar Roxas as successor for 2016 elections; Mar accepts the challenge to continue "Daang Matuwid"

Isa rin sa mga naging katanungan ni Boy ay kung ano ang gustong gawin ni Kris sa kanyang kaarawan sa susunod na taon, na nagkataon ding Valentines’ Day.

Sagot niya, “Kung may karelasyon ako, dapat maki-dinner siya kasama ng mga kapatid ko at mga anak ko.

“Kung kami lang tatlo ng mga anak ko, ang gusto ko talaga, kasi sobra-sobra yung pag-uumapaw ng blessings, on that day, gusto ko ma-share sa inyong lahat yung bagong bahay na where we’re gonna move.

“Kasi kung may special someone, sa amin na lang yun. Hindi na ako magpapa-cover.

“Pero kung wala pa, share ko po sa inyong lahat, kasi we won’t have that new home if not for all of you.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN