Polo Ravales apologizes for Facebook post about call center agents

Polo Ravales drew flak among call center agents because of this Facebook post: “Nag-aral ka sa magandang school tapos ang trabaho call center? Then ang sweldo mo ganun lang... nabawi na ba ang tuition fee na nagastos simula elem hanggang college?"


Humingi ng paumanhin ang aktor na si Polo Ravales kaugnay ng kanyang Facebook post tungkol sa mga estudyanteng nagtapos ng pag-aaral pero sa call center ang kinauwiang trabaho.

Huwebes, September 24, nang mai-post sa Facebook page ng Call Center Philippines ang isang screenshot ng FB post ni Polo.

Ang post ng 33-year old actor sa kanyang Facebook account ay tila nanghihikayat na sumali sa kanyang tinatawag na “team.”

Sinamahan ito ng isang litrato kung saan nakapuwesto si Polo sa isang sasakyan.

Sinimulan niya ito ng isang pahayag tungkol sa pag-aaral sa isang magandang school, pero magtatrabaho sa call center pagkatapos.

Ito ang kabuuan ng Facebook post ni Polo:

“Nag-aral ka sa magandang school tapos ang trabaho call center?

“Then ang suweldo mo ganun lang... nabawi na ba ang tuition fee na na gastos simula elem hanggang college?

“Worth it b ang sweldo mo sa hirap at pagod mo?

“Or may pera ka dahil sa nanay at tatay mo?

“Isa lang ang buhay... sarapan mo na... join my team ipaparamdam ko sa 'yo ang masarap na buhay.”

Si Polo ay miyembro ng isang social networking company.

Marami ang hindi nagkagusto sa naging pahayag ni Polo sa Facebook status niyang ito.

Ito ang ilan sa mga naging komento na nai-post ng Call Center Philippines:

Sa ngayon ay burado na ang nasabing Facebook post sa account ni Polo.

Subalit nag-post siya ng apology sa mga na-offend sa kanyang post kahapon, September 25.

Pahayag niya sa kanyang Facebook status: “To all the people who I offended...again sorry...i didn’t mean that way...again my sincerest apologies..godbless.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN