Marian Rivera and Dingdong Dantes to name their baby girl Maria Letizia

Marian Rivera announced that she and husband Dingdong Dantes will name their baby girl Maria Letizia, during her baby shower held tonight, September 26.


Inanunsiyo ni Marian Rivera ngayong araw, September 26, ang magiging pangalan ng panganay nilang anak ng mister niyang si Dingdong Dantes.

Ayon sa Instagram post ng reporter na si Nelson Canlas, Maria Letizia ang pangalan na ibibigay ng Kapuso Primetime Queen at ng Kapuso Primetime King sa kanilang baby girl.

Inanunsiyo ni Marian ang magiging pangalan ng kanilang anak sa baby shower na inihanda para sa kanya ngayong araw sa Marriott Grand Ballroom Hotel.

Sabi ni Marian, “Yung lola ni Dong at saka yung kapatid ng papa ko, parehong Leticia. So, tugma talaga.”

Hiniling din ni Marian na ipagdasal siya ng kanyang mga kaibigan sa panganganak nito.

“Please pray for me na mailabas ko siya ng matiwasay.”

Ang baby shower para kay Marian ay inayos ng kanyang inang si Amy at kaibigang si Teena Barretto.

Ayon pa sa isang Instagram post ni Nelson, close friends at kamag-anak lang ang inimbitahan ni Marian sa kanyang baby shower.

Hindi rin daw lalagpas sa sampung tables ang inimbitahan nilang mga bisita.

Thirty-weeks na ang ipinagbubuntis ni Marian at inaasahang magsisilang siya sa Nobyembre.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN