Claudine Barretto feels better after two-day hospital confinement for UTI

Claudine Barretto was rushed to the Cardinal Santos Medical Center last Wednesday, September 23, and was confined for two days after being diagnosed with urinary tract infection (UTI). Despite feeling better, she said she still has to undergo more tests for further diagnosis.


Isinugod si Claudine Barretto sa Cardinal Santos Medical Center, San Juan noong Miyerkules, September 23, dahil sa urinary tract infection (UTI).

Unang nabalitaan ang sakit ng aktres sa kanyang Instagram post, kunsaan nagpakita siya ng litrato na may caption na: "Sana may kwarto na sa ospital.7:30 pa daw.punong puno ang mga kwarto sa ospital.may UTI si Boss 😭😭😭😭😭"

My little man.

A photo posted by @claubarretto onSep 24, 2015 at 9:21am PDT

Dalawang araw na-confine si Claudine sa ospital.

Sa panayam ng ABS-CBN news correspondent na si MJ Felipe noong Sabado, September 26, tatlong araw matapos siyang isugod sa ospital, sinabi ni Claudine na mas okay na ang kanyang pakiramdam.

Saad niya, “I’m feeling better, but I’m still sick.

"Nung una UTI talaga daw. Nagkaroon ako ng fever, so pagka-check sa akin, when they got the tests, it was UTI.

"Nung nag-ultrasound na, nalaman na may cyst pala ako 'tapos nag-rupture siya so yung pain was really unbearable.

"I was at the hospital already Wednesday.”

Pagkalabas sa ospital, nag-promote si Claudine ng kanyang comeback film na Etiquette for Mistresses kunsaan kasama niya sina Iza Calzado, Cheena Crab, Kim Chiu, at Kris Aquino.


MORE CHECKUPS NEEDED. Kahit mas mabuti na ang kanyang pakiramdam, sinabi ni Claudine na kailangan pa niyang bumalik sa kanyang doktor para sa ilang checkups.

Aniya, “They are still going to check kung meron pang mga cyst.

"Hindi ko nga alam kung bakit nag-rupture, kasi the whole time I was in the hospital, I was given heavy pain meds na pang-operation na talaga.

"Habang ine-explain sa akin na may dalawang cyst ako na nag-rupture, hindi ko na masyado naiintindihan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN