Sheryl Cruz forced to explain past issues on dad's death and inheritance; still undecided about her choice for the presidency

Sheryl Cruz takes pride in saying, "Wala akong problema kahit na walang pamana sa akin... sa totoo lang, apat na taon pa lang ako, nagtatrabaho na ako. Marunong ako na magbanat ng sarili kong buto at kumayod sa sarili kong kakayanan. Hindi ako umaasa sa kahit kanino, at hindi ako hihingi ng pabor sa kahit kanino."


Sa telephone interview kay Sheyrl Cruz nina Karen Davila at Vic Lima sa programang Pasada Alasais Trenta sa dzMM Teleradyo noong September 24, binigyang-linaw ng aktres ang dalawa pang isyung ibinabato sa kanya ngayon.

Una, ang dahilan kung bakit hindi siya nakauwi nang pumanaw ang kanyang ama, ang dating aktor na si Ricky Belmonte, noong October 3, 2001.

Marami nga raw ang nadismaya sa kanya noon, dahil bilang panganay na anak ni Ricky, inaasahan na siya ay uuwi mula sa Amerika para makidalamhati at ihatid sa huling hantungan ang mga labi ng kanyang ama.

Ang ina ni Sheryl ay ang dating aktres na si Rosemarie Sonora, na naging contract star ng Sampaguita Pictures noong '60s.

Saad ng dating matinee idol, "Alam niyo po, matagal ko na 'yang na-explain at heto na naman, i-explain ko na naman.

"Para sa kaalaman ng mga hindi nakakaalam, nung mamatay ang tatay ko, 9/11, pagbomba sa twin towers ng World Trade Center sa New York City].

"Ang ex-husband ko was affiliated with the police department.

“Dahil affiliated siya sa government ng Amerika, we were advised not to travel because of the terrorism threat.

“Not only that, yung anak ko na ipinanganak ko nung time na yun, yung year na yun, ibinalik ulit sa hospital.

“After one week, ibinalik ulit sa hospital, okay? So, naglalaban ang isip, nagtatalo.

"Gustung-gusto kong umuwi ng Pilipinas, pero inisip ko rin ang kapakanan ng anak ko dahil nag-iisa lang ang anak ko.

"So, nung nakausap ko ang tatay ko, sinabi ko, 'Papa, kilala niyo ako, alam niyo na mahal na mahal ko kayo.

"'Hindi dahil sa gusto na wala ako diyan sa katabi mo, pero iniisip ko kung ano ang makakabuti sa inyong apo.

"'At alam kong mauunawaan niyo ako sa gagawin kong ito.’”

Hindi nga naman daw niya kailangang magpaliwanag nang ganito sa publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Sheryl, "I don't have to explain to people, because I know my father... I respect my father, and I respect my family.

"So, I think, this would actually answer it."

SELF-MADE. Pangalawang sinagot ni Sheryl ay ang tungkol diumano sa hindi niya pagkakatanggap ng mana mula sa kanyang yumaong uncle na si Fernando Poe Jr., asawa ng kanyang tiyahin na si Susan Roces.

Ayon kay Sheryl, “Honestly, wala akong problema kahit na walang pamana sa akin.

"Yung totoo, sinasabi... meron akong nabasa na article na wala akong namana sa uncle ko [Fernando Poe Jr.]

“Alam niyo, it's enough na minahal ako, the memories are actually something that cannot be valued.

"Tapos yung sinasabi nila sa akin na bukod dun sa pamana, wala akong inaasahan.

"Kasi sa totoo lang, apat na taon pa lang ako, nagtatrabaho na ako.

“Marunong ako na magbanat ng sarili kong buto at kumayod sa sarili kong kakayanan.

"Hindi ako umaasa sa kahit kanino, at hindi ako hihingi ng pabor sa kahit kanino."

PRESIDENTIABLE. Samantala, inalam ni Karen kung sino sa mga presidentiables para sa 2016 ang pinaniniwalaan niya.

Kabilang ang pinsan ni Sheryl na si Senator Grace Poe sa tatakbong presidente sa susunod na taon.

Sagot ni Sheryl, “Katulad ng ibang mga botante, pinag-aaralan ko pa kung sino ang nararapat."

Kung hindi niya susuportahan si Senator Grace, sino kina Vice President Jejomar Binay at Secretary Mar Roxas ang kanyang ikakampanya?

Ayon kay Sheryl, "Meron pa 'atang isa na tatakbo, I have to choose the best because our country deserves the best.

"Hindi po pa siya masasagot sa ngayon, katulad ng ibang mga botante, pinag-aaralan ko pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN