Andrea del Rosario eyes vice mayoralty in Calatagan, Batangas

Andrea del Rosario pooh-poohs the idea that being once a sexy dancer may undermine her credibility as a public servant, pointing to Manila Vice Mayor Isko Moreno as an example: "He was in sexy movies when he started. But now, he’s one of the most dedicated, respectable people sa politika, sa public service… so I wanna prove them wrong."


Pinag-iisipan ng aktres na si Andrea del Rosario ang alok sa kanyang tumakbong vice mayor sa Calatagan, Batangas.

Three years ago pa raw siya kinukumbinsing pumasok sa pulitika, pero dahil sa medical condition that time ng anak niyang si Bea ay tinanggihan ni Andrea ang alok sa kanya.

Ayon sa aktres, ngayon ay seryoso niyang binibigyan ng kunsiderasyon ang pagkakataong ito na makapaglingkod sa kanyang mga kababayan.

“Actually, I was invited and I am considering na pumasok sa pulitika.

"Noon pa ako inimbita sa politika, I was invited three years ago, pero ngayon ko lang mas kinu-consider yung offer.

“Kasi naisip ko na I’m more mature and my daughter is one hundred percent na okay na rin yung health niya.”

FRESH OUTLOOK. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dating Viva Hot Babes member sa presscon ng ZStar Ball Philippines - A Night of Glitz and Glamour! na ginanap sa Regine Tolentino Studio and Boutique sa Valencia Hills, Quezon City.

Dito ay ipinahayag din ni Andrea na gusto niya talagang makatulong sa mga kababayan sa Calatagan, Batangas.

“Ayaw kong mag-sound like yung mga politician na parang cliché na ang sinasabi, ‘I wanna help the people.’

“Iyong vision ko as a mother, yung drive at eagerness ko for my daughter to have a wonderful future...

"I want that also for the future generation of my town."

Sinabi rin ng aktres na sakaling pumasok na siya sa pulitika, gusto raw niyang i-offer ang kanyang serbisyo para magkaroon ng alternatibo ang mga taga-Batangas at matigil na ang mga epal na pulitiko.

“Siguro makikita rito yung outlook of new generation and we’re in the 21st century.

“Kaya sana ay ma-eliminate natin ‘yan or mabawasan na ang ganyang klase ng pulitika.

“Hindi ako nagmamagaling, pero ang feeling ko ay may magagawa ako para sa bayan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Given a chance, sakaling pasukin ko nga ang pulitika, I will try my very best.

“With all humility… I think yung mga kababayan ko deserve na magkaroon ng public servant na talagang magsisilbi sa mga tao.

“Knowing what is happening in my town, parang it’s a sin kapag wala akong ginawang aksiyon.

"Baka magalit si God,” nakangiting saad ng aktres.

PRIORITIES. Ano ang magiging top priorities niya sakaling pumasok siya sa pulitika?

Ayon kay Andrea, “There are three top priorities anyway in life—medical, education, and livelihood.

“So these are the top three right there kasi talagang different yung situation in my town.

"Medyo hindi natutugunan ng pansin... our hospital, we don’t have an ambulance.

“Sa education, although it’s okay, but marami pang puwedeng gawin.

“Andyan din yung out-of-school youths, then there’s also the issue of drugs.

“There are so many things... we do group discussions every month, lumalabas pa talaga, and marami akong natututunan.”

Magkakaroon ba ng women empowerment sa leadership ng kanilang grupo?

“Yes, yung offer sa akin ay maging ka-team ng incumbent Congresswoman Aileen Buhain Ermita and Ms. Leni Pantoja as mayor, and myself.

“Puro kami babae and we believe in the same things, joint forces kami.”

OLDER, WISER. Kaya ba niya ang intriga sa pulitika?

Sagot ni Andrea, “Ay, yes! Alam ko na titirahin ako sa larangan ng personal life ko, you know, may mga taong ilalabas yun.

“But that’s not the main issue, the issue is what can I do for my town, ano yung heart ko to help my town.

“Hindi ako nandoon para sumayaw ng ‘Bulaklak’ or i-entertain ang tao ukol sa personal na buhay ko.

“Dahil palpak ang lovelife ko at lahat-lahat na.

“I am there to help my kababayan, so I focus on that and other things around it, bahala sila sa sasabihin nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero if I want to entertain them, e, dapat sa Boy Abunda show ako nagpa-interview o pumunta.”

Ito ba ang biggest decision na kanyang gagawin sa buong buhay niya?

“Ay, yeah... I pray at night, I pray at night, pinag-iisipan ko talaga.

“I mean, 52,000 lives will rely on you and five thousand diyan ay senior citizens, so how can you not?”

Usually kapag artista ang pumapasok sa pulitika, sinasabihang ‘artista lang iyan.’

Reaksiyon dito ni Andrea, “Ay, I’ve had that! ‘Artista lang iyan,’ ‘Nagpaseksi 'yan…’

“You know, I would say even si [Manila Vice Mayor] Isko Moreno ay nagpaseksi, he was in sexy movies when he started.

“But now, he’s one of the most dedicated, respectable people sa pulitika, sa public service.

“I don’t believe that people should typecast you, ostracize you or stab that stigma on you na you’re just this, just because of this decision in your past.

"So, I wanna prove them wrong.

“That’s the reason why I studied also, because I know that some people are gonna throw that someday.

“Kaya thankful ako sa Ateneo dahil natapos ko yung Masters in Entrepreneurship ko doon, so I’m ready.

“I’m sure na ibabato 'yan sa akin… that was like a gazillion years ago.

“But I am a different Andrea now, I’m an older Andrea, I’m thirty-seven now.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN