Gladys Reyes noncommital about supporting Senator Grace Poe's presidential bid

Gladys Reyes on Senator Grace Poe: "Mahal ko si Ma’am Grace. Unang-una, siya ang original boss namin sa MTRCB... kinakapatid ko siya kay Ninang Susan [Roces]… ninang namin sa kasal ni Christopher Roxas."


Kilala si Gladys Reyes sa kanyang pananampalataya sa Iglesia ni Cristo (INC), na nasangkot sa kontrobersiya dahil sa pag-alma ng ilang miyembro ng pamilya Manalo.

Dahil dito ay umani ng batikos mula sa maraming tao ang liderato ng INC at maging sa mga kasapi nito.

Bilang miyembro ng INC, ano ang naramdaman ni Gladys sa pambabatikos sa kanilang relihiyon at sa mga namumuno rito?

Pahayag ng aktres, “E, entitled sila sa opinion nila, di ba?

“Kung sa tingin nila, 'A, takot sila kaya hindi ganyan.'

“Pero alam mo kasi, kung ang mamayani talaga sa atin ay respeto, siguro mas maunlad ang bansa natin.

“Nakakalungkot sa social media, minsan halos bastusan na.

“Kulang na lang talaga kung magkaharap kayo, magkakasakitan kayo.

“Ang sakit-sakit, pero mas masakit ang salita.

“Walang pinipiling edad, minsan kahit bata kung magsalita sa social media, di ba, nakakalungkot.”

STILL UNDECIDED. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gladys sa press conference ng pelikulang Felix Manalo noong nakaraang linggo.

Tinanong ng PEP ang aktres kung susuportahan o iboboto ba niya si Senator Grace Poe na tatakbong presidente sa 2016.

Naging chairman ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) ang senadora at kasalukuyang board member naman dito si Gladys.

“Wala pa kami, wala pa,” sagot ng aktres, na ang ibig sabihin ay wala pang desisyon ang INC kung sino ang susuportahan nila sa susunod na eleksyon.

Pero dagdag ni Gladys, “Mahal ko si Ma’am Grace.

"Unang-una, siya ang original boss namin sa MTRCB.

“Bukod dun, kinakapatid ko siya kay Ninang Susan [Roces]… ninang namin sa kasal ni Christopher Roxas.

“Hindi lang dahil sa MTRCB, sa pakikisama…

“Pero kung ano ang mapagpapasyahan ng aming pamunuan sa Iglesia, susunod kami dahil nga sa kaisahan namin.”

Natawa si Gladys sa birong siya na ang ministro ng Iglesia Ni Cristo nang hingan ng reaksiyon sa usaping separation of church and state.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang wala yata ako sa posisyon para sagutin ‘yan, baka masyado nang kumplikado.

“Dapat naman po ganun, parang separate talaga ang church at state.

“Pero siyempre, masyadong malalim, matagal na usapin.

“Siguro po kapag nasa posisyon na ako, pero wala nga po ako sa position para sagutin ‘yan, baka ma-misinterpret pa.”

Personal na opinyon na lang ni Gladys, paano kung ang pinakamataas na lider nila ang malagay sa alanganing sitwasyon at hindi na pakialaman ng gobyerno?

“E, siguro we’ll just cross the bridge when we get there,” maikling sagot niya.

TOPGROSSER. Marami ang nagsasabing magiging isa sa highest-grossing film ang Felix Manalo, na tumatalakay a abuhay ng unang executive minister ng INC.

Tiyak ding napakaraming miyembro ng Iglesia Ni Cristo ang manonood nito.

Pero ayon kay Gladys, “Siguro sinabi na ito nina Ka Edwil [Zabala, spokesperson ng INC] sa ilang interview.

"Unang-una, hindi naman ang goal namin ay para kumita.

“Para kasi mailahad ang istorya ni Ka Felix, marami rin kasi ang clueless.

“Bakit naging hundred one years? Saan ba nag-start? Sino si Ka Felix?

“Bakit nila tinatawag na 'sugo' sa huling araw? Ano ba ang pinagmulan niya?

“Heto… heto ang lahat sa pelikulang ito.

“Biruin mo, yung hindi na nag-e-exist ngayon na 1890-something, makikita rito.

“Kaya nga sabi ni Direk Joel Lamangan, welcome lahat kahit anong relihiyon o kasarian mo.

“Welcome, dahil history rin ng Pilipinas ang makikita mo rito, di ba?”

Sa isang banda, malaking bagay raw kay Gladys na maging bahagi ng Felix Manalo.

Pinagsama rito ang pinaniniwalaan niyang relihiyon at ang sining niya sa pag-arte.

“Malulungkot talaga ako, baka nag-iiyak ako ngayon sa bahay kung hindi ako nakasama.

“Kahit man lang dumaan ako, hindi ako naging bahagi, baka mag-iiyak talaga ako.

“Para naman maging bahagi ka nito,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN