Vice Ganda says he kissed Karylle on the lips “for the fans”

Vice Ganda on kissing Karylle on the lips: "Kahit nga kami ni Karylle, pagkatapos naming mag-smack, sabay kaming sumuka sa dressing room! Tapos dumating si Yael [Yuzon, asawa ni Karylle] sa dressing room, pareho kaming, ‘Yael, pareho mo kaming dalhin sa ospital, pareho kaming masama ang pakiramdam.’ Para kaming na-food poison!"


Para sa fans.

Ito raw ang naging motivation ni Vice Ganda para halikan sa labi ang co-host niyang si Karylle sa ginanap na 6th anniversary kickoff ng It’s Showtime sa Araneta Coliseum noong Sabado, September 26.

Read: Yael Yuzon on wife Karylle’s lip-lock with Vice Ganda: I didn’t allow anything. No one needs permission from me.”

Sa nasabing episode, dalawang beses hinalikan ni Vice sa labi si Karylle.

Nitong Monday episode ng It’s Showtime, September 28, inilahad ni Vice kung ano ang eksena nila ni Karylle pagkatapos ng nangyaring halikan nila noong Sabado.

Kuwento ni Vice, “Kahit nga kami ni Karylle, pagkatapos naming mag-smack, sabay kaming sumuka sa dressing room!

“Tapos dumating si Yael [Yuzon, asawa ni Karylle] sa dressing room, pareho kaming, ‘Yael, pareho mo kaming dalhin sa ospital, pareho kaming masama ang pakiramdam.’

“Para kaming na-food poison!

"Pagkatapos naging lalaki siya, pagkatapos ako naging babae!" biro ni Vice.

“Pero for the fans, for the fans,” sabi ni Vice, kung para kanino ang ginawa niyang paghalik kay Karylle.

“Sabi ng kapatid ko, ‘Kiniss mo si Karylle. Di ba, bakla ka?’

"Sabi ko, ‘For the fans. Basta ikasasaya ng fans.'"



WORTH THE PAIN. Samantala, inilahad din ng iba pang hosts ng It's Showtime ang hirap na pinagdaanan nila para sa kanilang production numbers noong Sabado.

Gaya umano ni Teddy Corpuz na nabalian habang nagre-rehearse, pero sumulpot pa rin siya kinabukasan para sa show.

Ani Billy Crawford, naoperahan na umano dati si Teddy dahil sa ACL (anterior cruciate ligament) at bigla itong napilayan noong rehearsal.

Samantala, nagkapasa-pasa umano ang katawan ni Anne Curtis dahil sa pagre-rehearse ng kanyang production number.

Nag-tweet din ang aktres tungkol dito noong Sabado, kung saan idinaing niya ang mga pasa sa magkabilang braso.

Ang Sakit! May bruises ako on both arms!!! 😋😋😋 https://t.co/mTtHpdjr7Q

— Anne Curtis-Smith (@annecurtissmith) September 26, 2015

“Pero ang mahalaga diyan, it’s all for the fans. Masaya talaga,” pakli ni Billy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag naman ni Vice, “Yun naman ang sinabi ni Tita Cory [Vidanes, ABS-CBN channel head] at Tita Charo [Santos-Concio, ABS-CBN president], the fans are the most important.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN