Kim Chiu confirms ex-boyfriend Gerald Anderson cheated on her

Hindi na nakaiwas si Kim Chiu nang matanong ni Vice Ganda sa Gandang Gabi Vice episode kagabi, September 27, at naamin nitong kinaliwa siya ng dati niyang boyfriend. Hindi man diretsong pinangalanag si Geral Anderson ito, nasukol naman siya sa tanong kung nakailang boyfriends na siya. Sagot niya, “Isa lang.”


Muling naungkat ang hiwalayan nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa episode ng Gandang Gabi Vice ng ABS-CBN kagabi, September 27.

Halos limang taon na ang nakalilipas mula nang maghiwalay ang dalawang Kapamilya stars, pero hindi maiwasang itanong ng host na si Vice Ganda sa aktres ang tungkol dito dahil sa pinu-promote niyang pelikula—ang Etiquette For Mistresses.

Ayon sa 25-year-old actress, napapayag siyang gawin ang Etiquette For Mistresses dahil ibang-iba raw ito sa typical mistress movies.

Ang tinatalakay raw kasi rito ay ang mundo ng mga kabit habang wala ang partners nila.

Sabi ni Kim, “Kung ano yung mundo nila na hindi lang puro saya.”

Kasamang nag-guest ni Kim sa Gandang Gabi Vice ang co-star niya sa pelikula na si Iza Calzado.

Nasa cast din ng Etiquette for Mistresses sina Kris Aquino at Claudine Barretto.

Kasunod na tanong ni Vice: “Ngayong naunawaan mo na sila, paano kung magkaroon ng mistress sa loob ng sarili mong relasyon? Mauunawan mo rin ba sila?”

Tugon ni Kim, “Meron kasing kasabihan 'yan na, ‘Sharing is good, but cheating is bad.’’

Dito na nabanggit ni Vice ang ex-boyfriend ni Kim na si Gerald.

“Nanahimik na siya ngayon,” pag-iwas pa sana ni Kim na pag-usapan ito.

EX-BF CHEATED ON HER. Pero ipinagpatuloy pa rin ni Vice ang pagtatanong tungkol sa ex-boyfriend ni Kim.

Sabi ng comedian-TV host: “Walang banggitan ng pangalan, ang tanong ko na lang, nangyari na ba sa iyo na nangaliwa ang boyfriend mo?”

“Oo,” mabilis na tugon ni Kim.

Dagdag pa niya, “Hindi naman natin maipagkakaila. Hindi naman lingid sa kaalaman [ng karamihan].”

Pero ngayon daw, pinagtatawanan na lang ito ng aktres.

Sabi ni Kim, “Oo, totoo yung sinasabi nila na [nung] iyak ka nang iyak na, ‘Hindi, pagtatawanan mo lang ‘yan [pagdating ng araw].’

“Dun ako naniwala talaga na kaya palang pagtawanan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sunod na tanong ni Vice: “Nakailang boyfriends ka na ba?

Sagot ni Kim: “Isa lang.”

“Ay, sorry [Gerald], wala palang choices!” sabi naman ni Vice, sabay pakawala ng malutong na halakhak.

THE MISTRESS. Inusisa rin ni Vice si Kim kung mas maganda ba sa kanya ang naging kapalit niya sa ex-boyfriend.

Matapos ang hiwalayan, naugnay ang pangalan ni Gerald kina Bea Alonzo, Sarah Geronimo, at Maja Salvador.

Pero si Maja ang kasunod na naipakilala ni Gerald na gilfriend nito.

Dating mag-best friend sina Kim at Maja.

Paliwanag ni Kim, “Marami namang klaseng ganda—ganda na panglabas, ganda na pangloob.

“Okay na yung pangloob.”

Sundot na tanong ni Vice: “Mas masakit ba sa iyo kung mas maganda?

Sagot ni Kim, “Kung saan siya mas masaya, dun na lang tayo.”

Hindi naman na raw nasasaktan si Kim dahil aniya, “It’s part of growing up—the pain.”

Sa ngayon, single muli si Gerald dahil natapos na rin ang relasyon nila ni Maja.

Si Kim naman ay nasa ligawan stage pa rin daw sa ka-loveteam niyang si Xian Lim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN