Edgar Allan Guzman roots for loveteam with Maxene Magalona despite their respective relationships

Edgar Allan Guzman assures EMax, his loveteam with Maxene Magalona, will continue to delight their fans. He says, “Para sa akin naman, ang personal na buhay ay hindi hadlang sa pakikipag-loveteam. Hiwalay naman ang personal na buhay sa career, at happy ako para kay Maxene... at kapag may EMax na trabaho, tatanggapin at gagawin namin.”


Mas nakilala at nakita ng manonood ang kakayahan at talento ni Edgar Allan Guzman sa season one ng reality show ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar.

Hindi man champion, umabot siya sa Top 4 ng show.

Aminado ang Kapamilya actor na marami ang nabago sa kanya nang dahil sa Your Face Sounds Familiar.

Saad niya, “Ngayon, naging leading man na ako.

"Before, sa ibang network, ganun din naman.

“Pero iba kasi kapag sa ABS, aminin na natin, ang hirap maka-penetrate.

“Ang hirap magkaroon ng project sa ABS-CBN as leading man kung wala kang napapatunayan.

“So, ang laki ng naitulong sa akin ng Your Face Sounds Familiar—exposure at tagahangang iba na naniniwala sa akin.

“Kumbaga, mas dumami, mas lumawak yung fan base ko dahil sa YFSF.

“Yung ibang taong hindi nakakaalam na kaya kong kumanta, kaya kong sumayaw, nakita sa Your Face.

“Sa career naman, napunta sa bida, hindi lang support-support na cast, so yun ang epekto sa akin.”



EMAX LIVES ON. Sa Your Face Sounds Familiar din nabuo ang loveteam nina Edgar Allan at Maxene Magalona.

Maraming naaliw at naghangad na silang dalawa na lang ang magkatuluyan.

Pero naging bukas na muli si Maxene sa Instagram tungkol sa bagong boyfriend nitong si Robby Mananquil.

Sabi naman ni Edgar, “Para sa akin naman, ang personal na buhay ay hindi hadlang sa pakikipag-loveteam.

“Hiwalay naman ang personal na buhay sa career, at happy ako para kay Maxene.

“Nahanap na niya ang isang inspirasyon, e, before, tinutukso-tukso lang siya, di ba?

“So ako, happy at kapag may EMax na trabaho, tatanggapin at gagawin namin.”

Kasalukuyang umeere ang second season ng Your Face Sounds Familiar.

Ano ang masasabi niya sa mga bagong contestants?

Ayon kay Edgar, “Magagaling din sila.

“Nanoood ako last week ng first episode nila.

“Magaling silang lahat, lalo na si Sam Concepcion, bumilib ako kay Sam and kay Eric Nicolas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May bet na siya ngayon pa lang?

“Oo, ako si Sam at Eric Nicolas, magaling sila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edgar Allan sa launching ng libro ng kanyang manager na si Noel Ferrer, ang Sisikat Din Ako.

SECOND FATHER. Siyam na taon na sa industriya si Edgar. Sa pakiramdam ba niya ay sikat na siya?

Sagot niya, “Hindi po, hindi ko po kini-claim ‘yan.

“Kahit itanong niyo po sa kanya [Noel] o kahit na kaninong tao.

“Natulungan niya ako na magkaroon ng pangalan at sa right project na alam niya makakatulong sa akin.”

Kailan niya masasabing sikat na siya?

“Matagal pa, matagal pa, marami pa akong bigas na kailangang kainin.

“Lahat ng blessing na nakukuha ko, alam kong kulang pa ‘to.”

Ang titulo ng libro ni Noel ay Sisikat Din Ako. Nasabihan na ba siya ng manager niya na sisikat din siya?

“Wala siyang ganun,” mabilis na sagot ni Edgar.

“Siya yung manager na kapag hinandle ka, gusto lang niya ay tulungan ka.

“Tutulungan ka niya sa career mo, sa buhay mo, kung paano ka bilang lalaki, bilang mama.

“Paano ko maging isang tunay na lalaki sa buhay, sa future.

“Hindi kami nag-uusap sa career lang, pati sa buhay, sa personal na buhay, sa family ko.

“And may effect naman yun sa family ko, sobrang laki.

“Kumbaga, siya yung manager na hindi siya magpa-promise sa ‘yo.

“Basta tutulungan ka lang niya kung ano ang makakaya niyang gawin.

“And ikaw na rin, sa part mo bilang artista, gawin mo ang part mo para maging successful.”

Nagulat nga raw si Edgar na may libro pala ang kanyang manager.

“Nagulat nga ako… may mga ganito siyang pakulo na isa sa mga bucket list niya.

“Actually, hindi niya ako in-invite [sa book launch], siguro baka busy lang siya or something.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakita ko lang sa Instagram, pero siyempre suporta sa mga gagawin niya bilang pagsuporta niya rin sa akin.

“Bilang pangalawang tatay ko, sinabi ko, ‘Sir, kailan yung book launching niyo?’

“Sabi niya sa Saturday… sabi ko kapag walang taping ng Doble Kara, pupunta ko.

“Sabi niya, ‘Sana walang taping, kasi you’ve been part of my twenty-five years in showbiz.'

“Buti na lang, wala, kaya tinext ko siya at happy twenty-five years in showbiz.

“‘Salamat sa suporta,’ sabi niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN