Lovi Poe explains recent sighting with ex-boyfriend Ronald Singson

Lovi Poe talks about her current relationship with boyfriend Rocco Nacino and best friend Heart Evangelista. The Kapuso actress also accepts the PEPtalk challenge. Watch her full interview on September 30!


“Yes, yes! Some… one... two…”

Ito ang sagot ng Beautiful Strangers star na si Lovi Poe sa PEPtalk nang tanungin kung posible bang maging kaibigan niya ang kanyang ex-boyfriend.

Matatandaang namataan si Lovi kasama ang ex-boyfriend na si Ronald Singson at anak nitong si Sam sa Ariana Grande concert noong August 23 sa Mall of Asia Arena.

View photos here: #PEPSpotted: Alex Gonzaga holds hands with guy; Lovi Poe goofs around with ex-bf Ronald Singson at Ariana Grande concert

Paliwanag ni Lovi, “Nagkakitaan kami doon.

"I saw him, e... naging ano close din ako sa daughter niya.

“So, si Sam, lagi kaming 'Hi!' tuwing nagkikita kami.

"Malambing kasi na bata ‘yon."

Ipinaliwanag din ni Lovi kung bakit hindi malabong maging kaibigan niya ang ex-boyfriend.

“Well, sa pinagdaanan namin ni Ron, it was a very tragic-deep-kind-of-thing na parang it's impossible for us not to be friends at the very least.

“It wasn’t a kind of relationship na we had to break up because we didn’t want it anymore, but because of what happened already.

“But then, ayun, at least we’re friends.”

Wala bang dapat ikabahala ang boyfriend niya ngayong si Rocco Nacino dahil dito?

Paglilinaw ni Lovi, “We’re not friends like friends na magkausap palagi.

"Kumbaga, I still consider him as a friend.

“Siyempre out of respect kay Rocco, we don’t have communication na palagi.

"Although we have the same group kasi, so hindi maiiwasan."

Bukod dito ayibinahagi rin ni Lovi sa PEPtalk ang kanyang relasyon kay Rocco at ang friendship nila ng best friend niyang si Heart Evangelista.

Abangan ang masaya at makulit na #LoviOnPEPtalk sa September 30!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN