Bea Binene would understand if Alden Richards can't attend her debut party

Inimbitahan daw ni Bea Binene ang kaibigang si Alden Richards sa nalalapit niyang debut party, pero hindi raw nag-commit ang Pambansang Bae kung makakapunta ito.


Hindi raw magtatampo si Bea Binene kung sakaling hindi makadalo ang malapit na kaibigang si Alden Richards sa kanyang debut party sa November.

“Of course, alam ko po kung gaano siya ka-busy ngayon, so I’ll understand. And siyempre work is work,” sabi ni Bea.

Inimbitahan daw niya si Alden noong nakaraang linggo.

“In-invite ko siya kasi nagkausap kami, nagte-text kami.

"And then, sabi ko, ‘Uy, Den, alam ko busy ka. Block mo na November 3, debut ko.’"

Hindi raw nag-commit si Alden, pero titingnan daw ng aktor kung makakadalo ito.

Pero depensa ni Bea, sa pagkakakilala niya kay Alden, pupunta ito kung maisisingit niya sa kanyang schedule.

“Hindi siya magko-commit pero magugulat ka, bigla na lang siyang nandun.

"Kasi nung 16th birthday ko, hindi rin siya nagsabi, pero siya yung pinakaunang dumating, yung ganun."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bea sa press conference ng kanyang weekly reality show na #legallyB noong September 24, Huwebes.

Ipapakita sa nasabing show, na mapapanood sa GMA News TV tuwing Sabado, 11:30 A.M., ang debut preparations ng Kapuso young actress.



HAPPY FOR ALDEN. Ayon kay Bea, naging close sila ni Alden nang magkasama sila sa youth-oriented show ng GMA Network noong 2012, ang Tween Academy.

“Alden is one of my closest friends talaga na guys… that’s Kristoffer [Martin], Derrick [Monasterio], and Alden.

“Isa siya sa mga taong tina-trust ko talga at isa siya sa mga taong alam kong totoo at laging andiyan para sa akin,” sabi ni Bea.

Masaya rin daw ang young actress para sa tinatamasang kasikatan ng kaibigan ngayon, bilang isa sa bida ng Kalyeserye ng Eat Bulaga, katambal si Maine Mendoza o Yaya Dub.

Sabi ni Bea, “I’m so happy for him. I’m so proud of him.

"I support him. Kahit po ako nanonood ng Kalyeserye kapag may chance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang proud ako sa lahat ng na-achieve niya, sa kung nasaan siya ngayon, because he deserves it.”

Paglalarawan pa ni Bea sa magagandang katangian ni Alden: “He’s very down to earth, he’s very professional, and alam niya ang ginagawa niya.

"Alam niya ang gusto niya, alam niya kung ano ang dapat niyang gawin, kung ano siya before, ganun pa rin siya ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN