Rocco Nacino affirms love for Lovi Poe: "I care that much for her talaga."

For Rocco Nacino, that Lovi Poe has accepted his love is all: “Yung pagsagot niya sa akin... She doesn’t need to exert effort, lumalabas naman sa kanya. She’s really, really good girlfriend talaga, very sincere lahat ng gestures niya that make me feel special.”


Ayon kay Rocco Nacino, ang girlfriend niya ngayong si Lovi Poe ang maituturing niyang great love.

Sabi ng Kapuso actor, “Oo, totoo.

“Marami akong ginagawa ngayon na hindi ko ginagawa, pati ako nagugulat.”

Halimbawa?

“Isa yun, sobrang patient ako.

“Ngayon talaga, mahilig akong mag-surprise kapag kasama ko.

“And one thing, ma-effort ako. Nagugulat ako sa extra effort na nabibigay ko.”

Obvious nga ang pagiging generous ni Rocco kay Lovi sa pagbibigay niya ng surprise party sa kasintahan at pagku-customize niya ng loob ng sasakyan ng aktres.

Kuwento pa niya, “Yung van niya, ako sana ang bibili nun, pero nagde-debate kami, but I saw na kailangan niya talaga.”

Ano naman ang nakikita niyang pinaka-effort ni Lovi sa kanya?

“Yung pagsagot niya sa akin, ibig sabihin, nagtitiwala siya talaga.

“She doesn’t need to exert effort, lumalabas naman sa kanya.

“She’s really, really good girlfriend talaga.

"Very sincere lahat ng gestures niya that make me feel special."

Spoiled si Lovi sa kanya?

Sagot ni Rocco, “Parang ako yata, maalaga talaga, gusto akong pakainin palagi.

“And effort din yung when I have to train jiujitsu, 'Hindi tayo puwedeng umalis ngayon, ha, kailangan kong mag-train.'

“‘Okey lang, gawin mo na.’ Then, magkikita kami sa ibang araw.

ALMOST TWO YEARS. Isang taon at walong buwan na ang relasyon nina Rocco at Lovi, at tuwing 16th daw ng buwan sila nagse-celebrate ng kanilang monthsary.

Nagbibigayan ba sila ng regalo kapag monthsary nila?

Sabi ni Rocco, “Hindi kailangang monthsary, very random, e.”

Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Lovi na pagkatapos nilang magpunta sa Japan ng mommy at kapatid niyang babae, may plano raw ang aktres na bumiyaheng muli sa Europe

Habang si Rocco naman ay plano nilang pamilya na pumunta ng Japan.

Sabi ng Kapuso actor, “Girl Power sila ng mommy at kapatid niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kami naman, sa Holy Week sa Japan, kasi gusto niyang makita ang cherry blossom."

Nabanggit ni Lovi na “matiyaga” raw si Rocco kapag nagta-travel sila.

Sabi naman ng aktor, “It just comes out, siguro I care that much for her talaga.”

He loves her that much?

“Most like it!” natawang sagot ni Rocco.

Pero bakit care ang word na ginamit niya, hindi love?

“Care is a form of love naman, that’s how I show my love, by taking care of her.”

WORK RELATIONSHIP. Nang ialok daw kay Rocco ang karakter niya sa teleserye nila ni Lovi na Beautiful Strangers, hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ito.

Sabi ng StarStruck alumnus, “Basta trabaho, gagawin ko.

“Nakatulong yung character mismo, yun ang hugot ko.

“Si Lovi, kapag may eksena ako na siya yung nasa kabilang kampo, nagagamit.

“Sa isip ko, miss ko siya… lumalabas sa expression ng mukha ko.”

Katulad ni Lovi, mas okey raw na hindi sila nag-uusap sa set para mas makapag-internalize sila.

Sabi ni Rocco, “Kapag magkasama kasi kami, palagi kaming masaya kaya minsan kapag taping, dun lang ako sa tent ko.

“Padalaw-dalaw na lang ako, bonus na lang na magkasintahan kami at nandito kami.

“Work is work, hindi naman dapat happy palagi.

“She has to concentrate on her own. I have to concentrate too.”

Mag-best friend si Lovi at ang co-star din nila sa Beaufiful Strangers na si Heart Evangelista.

Masasabi silang foursome kasama ang asawa ni Heart na si Senator Chiz Escudero.

Hindi naiilang si Rocco kay Senator Chiz kapag may mga kissing scenes sila ng misis nito?

Ayon kay Rocco, “Si Senator Chiz, very understanding siya, hindi siya nangingialam... Heart has to work.

“Nagkita-kita kami sa bahay nila ni Heart, kumain kami dun.

“Si Senator Chiz ang nagluto, masarap siyang magluto.”

LAKAMBINI. Samantala, balik-shooting na rin sina Rocco at Lovi ng pelikulang Lakambini.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-challenge daw lalo ang aktor pagkatapos niyang mapanood ang historical film na Heneral Luna.

Sabi niya, “May ginagawa rin kasi kaming period film.

“Kaya sabi namin, mas magagamit ko yung mga character dun na pang-fuel kay Andres Bonifacio.

“Parang ipinakita yung mga nagpapatay kay Andres, magagamit ko yung intensity, magagamit ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN