Rocco Nacino not jealous of Alden Richards's popularity: "Kapag nainggit ka, kasunod nun mag-iisip ka ng masama tungkol sa taong yun."

Rocco Nacino admits the current crop of StarStruck talents has overshadowed his own batch. He says, "Ang gagaling nila... Sa mga ipinapagawa sa kanila, ang daming lumabas ibang talents sa kanila. So siguro kung sa batch namin, mas nag-level up pa.”


Muling ipinahayag ni Rocco Nacino ang kanyang kaligayahan sa popularidad na tinatamasa ngayon ng kapwa niya Kapuso na si Alden Richards.

Sabi niya, “Grabe yung mall show ni Alden! Yes, yes, I’m happy for him, he deserves it.”

Bilang talents ng GMA Artist Center, hindi maiwawasang tanungin ang ibang Kapuso stars, tulad ni Rocco, kung pumapasok sa kanila yung inggit o insecurity sa kasikatan ni Alden ngayon.

Pahayag ng Beautiful Strangers actor, “Kung may ganun akong nararamdaman?

“Ano yun, e... tama ang sinasabi nila na pana-panahon lang yun, huwag ka lang mawalan ng pag-asa.

“Unang-una, kapag nainggit ka, kasunod nun mag-iisip ka ng masama tungkol sa taong yun.

“Mai-stress ka lang. Susunod, magrereklamo ka na.

“So, just keep a positive mind.”

TALENTED BATCH. Si Rocco ay produkto ng reality-based artista search ng GMA Network na StarStruck.

Siya ang itinanghal na Second Prince o second runner-up sa Season 5 ng nasabing programa noong 2010.

At pagkatapos ng limang taon ay mayroon nang Season 6 ang StarStruck, kung saan isa sa mga journey host si Rocco.

Ano ang masasabi niya sa mga bagong Kapuso stars na manggagaling sa StarStruck 6?

“Magagaling,” sambit ni Rocco.

“Kasi nag-host ako… galing ako ng Japan, e, may challenge.

“As a host, hindi ko puwedeng ipakita sa kanila, pero ang gagaling nila.

“Hindi ko akalain, very talented ang batch na ito.”

Mas bilib siya sa batch ngayon kesa sa batch nila?

Aniya, “Sa mga ipinapagawa sa kanila, ang daming lumabas ibang talents sa kanila.

“So, siguro kung sa batch namin, mas nag-level up pa.”

Sa batch nila Rocco, ang itinanghal na Ultimate Survivors ay sina Sarah Lahbati at Steven Silva, na parehong wala na ngayon sa bakuran ng GMA network.

Sabi ng Kapuso actor, “Nakaka-miss sila.

“Si Sarah, nakita ko last time sa birthday ni Ben Chan [of Bench].

“Sabi ko, 'Uy, miss ka na namin!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero masaya ako sa kanila sa kung anuman ang ginagawa nila.

“Si Steven, I think he’s doing a lot of musical and nag-e-enjoy talaga siya.

"So, I’m happy for him."

POSITIVE MINDSET. Sinasabi na hindi garantiya ang pagiging winner ng isang talent search para sumikat ang isang artist.

Proven na nga ito sa StarStruck, ayon na rin kay Rocco.

Saadniya, “Basta you have the right attitude, right mindset towards work, hindi ka mawawalan ng pag-asa.

“Naisip ko rin yun after ng Final Judgment, 'First Prince ako, paano ‘to, magkakatrabaho pa ba ako?'

“Hindi mo maiiwasan, e... 'Sino ang guaranteed, Steven and Sarah?'

“Ako, hindi ako guaranteed. Saka lang ako na-offer-an after how many years.

“So, parang, 'Ano ang mangyayari sa akin?'

“Pero natutuwa ako na after that, nagkaroon ako ng maraming guesting.”

Gaya ni Rocco ay produkto rin ng StarStruck V si Alden Richards, ngunit hanggang Top 60 lamang ang inabot niya.

Pero ngayon ay umaalagwa na nang husto ang career ng tinagurian Pambansang Bae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN