Kris Lawrence accepts Katrina Halili's decision to end their relationship

Kris Lawrence on what he and former girlfriend Katrina Halili talk about: “Basta we talk about Katie [their three-year-old daughter]. Always about Katie… mostly.”


Tutok si Kris Lawrence sa anak nila ni Katrina Halili na si Katrence o Katie.

Inilalalaan niya ang lahat ng libreng oras sa anak, na nasa nursery school na ngayon.

Si Kris daw ang naghahatid-sundo kay Katie mula nung nag-enrol ito.

Sabi ng singer sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kaka-third birthday lang niya last week, September 18.

"It was good, it was fun.

“Ginanap [ang birthday party ni Katie] sa bahay ko po.

"Kasi, when we were planning Katie’s birthday, iniisip namin kung ano ang gagawin namin.

“Kasi last year, nag-Jollibee. Tapos yung first birthday was a big birthday event sa Oasis.

“So, sabi namin, let’s just make it simple this year.

"So, naisip namin na sa bahay ko na lang."



FRIENDS WITH KATRINA. Nakakatuwa rin na maganda ang samahan nina Kris at Katrina ngayon, hindi lang bilang mga magulang kundi bilang mabuting magkaibigan sa kabila ng nag-break na sila.

Madalas daw silang nagkakausap, pero puro raw ito tungkol sa kanilang anak.

Walang biruan tungkol sa kung may bago na bang lovelife o inspirasyon ang isa’t isa?

“Wala naman! Basta we talk about Katie. Always about Katie… mostly!” natatawang sagot ni Kris.

Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Katrina na wala siyang lovelife ngayon dahil ang true love niya at this point ay si Katie. Ang anak daw ang nag-i-inspire at nagpapasaya sa aktres ngayon.

Hindi kaya nagpapakiramdaman o nag-aantayan lang sina Kris at Katrina, at sila pa rin ang magkakabalikan sa bandang huli?

“Ganun ba ‘yon?” natawang reaksiyon ni Kris.

“Kasi, di ba, meron siyang write-up na wala na talaga siyang balak [makipagbalikan sa akin]? Di ba?

"May sinabi siyang ganun, e."

Ganun din ba ang nararamdaman ni Kris kapag nagkakaharap at nagkakausap sila ni Katrina?

“Yeah!” mabilis na sagot ni Kris.

Tanggap na niya ang sitwasyon na iyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah, if she says na ganun, yes.

“Wala naman akong magawa. If talagang iyon naman ang gusto niya, di ba?”

FINDING SOMEONE NEW. May isang taon na rin mula nang nag-break sina Kris at Katrina.

Doesn’t Kris think it’s about time he finds a new special someone for him to be happy again?

Of course, masaya si Kris dahil kay Katie. Pero iba pa rin ang happiness at inspiration na naibibigay ng pagkakaroon ng lovelife. And he deserves to be happy, right?

Sagot niya, "That’s true, I deserve to be happy.

"I think everyone naman deserves to be happy."

Ano ang pumipigil sa kanya para manligaw ulit at magkaroon ng panibagong karelasyon?

“Uhm… good question! I don’t know. Maybe… walang time.

“Because, even when I see Katie since naghiwalay kami ni Kat, even si Katie in a day, it takes a lot of my time as well.

“But since hindi na kami [ni Katrina], I really have to take time in a day to spend time with Katie.

"So, siguro wala ring time."

Ayaw na ba ni Kris sa isang taga-showbiz sa susunod na magkaroon siya ng karelasyon?

Sagot niya, “Kahit ano, kahit ano po sa akin. Basta may spark!

“Yung ibang friends ko, sometimes nagsi-set sila ng blind date para sa akin.

"Pero yun nga, walang spark.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN