Vice Ganda ignores bashers of lips-to-lips act with Karylle: "We did not do it for the bashers, it’s not for them."

Vice Ganda on lips-to-lips with Karylle: “Ginawa namin yun para matuwa ang mga fans namin, at masayang-masaya kami dahil natuwa talaga yung mga fans namin. We did not do it for the bashers, it’s not for them.”


Kabi-kabilang batikos ang tinatanggap ngayon nina Vice Ganda at Karylle dahil sa dalawang beses nilang pagli-lips to lips sa 6th anniversary kickoff ng It's Showtime sa Araneta Coliseum noong Sabado, September 26.

Bahagi ito ng production number ni Vice, bilang Viceral, sa noontime show ng ABS-CBN.

Ibinabalik kasi ng noontime show ng ABS-CBN ang tambalang ViceRylle nina Vice at Karylle.

Read: Yael Yuzon on wife Karylle-Vice Ganda kissing scene: “I didn't allow anything. No one needs permission from me.”

Muling iginiit ni Vice sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kahapon, September 28, na para sa fans ang ginawa nila ni Karylle.

“Ginawa namin yun para matuwa ang mga fans namin.

"At masayang-masaya kami dahil natuwa talaga yung mga fans namin.

"We did not do it for the bashers, it’s not for them."

Sinabi rin ni Vice na alam ng mister ni Karylle na si Yael Yuzon na may kakaibang mangyayari sa production number nila.

"Oo, kasama namin siya sa dressing room. Kabiruan namin siya.

Dagdag pa ni Vice, "Natuwa ako kasi good or bad, pinag-usapan kami."

Paano hina-handle ni Vice ang bashers?

Sagot niya, "I don’t handle them.

"Wala akong pakialam sa kanila at nagpapasalamat ako na malaki ang pakialam nila sa akin."

Labis namang nagpapasalamat si Vice sa lahat ng pumunta at sumuporta sa It's Showtime sa Araneta Coliseum noong Sabado.

Masaya rin siya sa higit na 6 million tweets na nakuha ng hashtag nilang #ShowtimeKapamilyaDay.

“I heard sobrang happy [ang mga tao] kasi madaling-araw pa lang may mga nagtu-tweet na.

“Saka pinag-uusapan yung show habang nagaganap pa.

"Kahit tapos na, pinag-uusapan pa rin.

"Nakakatuwa kasi interesado yung Twitter world na pag-usapan yung mga nangyari."



3 BIG LOVETEAMS. Isa pa sa naging higlight sa kickoff party ng It's Showtime ay ang special production number ng tatlo sa pinakasikat na loveteams ngayon sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay ang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil, at JaDine nina James Reid at Nadine Lustre.

Sabi ni Vice, “Masaya, nakakatuwa.

"Ramdam mo yung pagmamahal ng buong network, ramdam mo lahat ng pagmamahal ng mga fans.

“Ang saya lang, ang saya lang na marinig yung dagundong. Concert na concert.


“Ang ingay, ang sarap pakinggan ng tili nila.

"Yung tili na punung-puno ng pagmamahal na kahit magkapaos-paso na sila, deadma lang sila.

“Ang sport lang ng lahat ng fans, ang sport lang din naman ng mga loveteams.

"Kasi bihira natin sila nakikitang magkakasama o hindi pa nga yata nakikita.

"Pero they allowed themselves na makita sa isang entablado na ikatutuwa ng mga supporters nila."

Patuloy ni Vice, “Nung nakita ko yung tatlong loveteams, nakakatuwa.

"Kasi pag napapanood mo sila, parang nagiging fan ka rin, parang di ka artista.

“Nung pinapanood ko na nagpe-perform yung KathNiel, yung JaDine, yung LizQuen, gustung-gusto ko yung pakiramdam ko nun, nakaka-fan.”



PASTILLAS GIRL. Isa rin sa inaabangan sa Showtime ay ang segment ni Pastillas Girl na naghahanap kay Mr. Right.

Ayon kay Vice, napakalaking tulong ang naibigay sa kanila ni Pastillas Girl.

“Malaki kasi may na-offer kaming bago.

"Ang audience kasi ang dali nilang magsawa, e.

“Kahit ang ganda ng ibinibigay mo sa kanila, naghahanap sila ng bago.

“Si Pastillas Girl is something new na naibibigay namin sa audience.

"Kinapitan siya, naging interesado yung mga tao.

“Ang daming tumutok, kahit hanggang sa ratings, nakatulong siya sa amin.”

Sa kabilang banda, si Pastillas Girl sa paboritong tirahin ngayon sa social media. Kaya’t pinayuhan daw ito ni Vice kung paano mag-handle ng bashers.

“Sinasabihan ko naman siya lagi, kasama na 'yan.

"Binuksan mo ang sarili mo sa publiko, kasi kung di mo kakayanin, huwag kang magbasa," payo ni Vice kay Pastillas Girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

UPCOMING SHOWS. Ayon kay Vice, marami pang dapat abangan sa isang buwang selebrasyon ng sixth anniversary ng It's Showtime.

“One-month long, kickoff lang yung sa Araneta.

"Yung highlights namin, siyempre yung individual performances.

“Hindi naman individual kasi kampi-kampihan ito.

"Week-long naman na mangyayari ito, yung tradition na ginagawa sa Showtime na araw-araw, may magpe-perform na magpapasikat na Showtime host.

"Yun ang pinaka-highlight talaga.

"Siyempre, may mga niluluto pang iba na magbibigay talaga ng sorpresa sa mga tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN