Phil Younghusband posts travel photos with Filipino-Spanish girlfriend

Philippine Azkals member Phil Younghusband posted a photo with Filipino-Spanish girlfriend Mags Hall during their “weekend getaway.”


Umagaw ng pansin sa maraming netizens ang Instagram photos ng Philippine Azkals player na si Phil Younghusband, kung saan kasama niya ang isang seksing babae na tila foreigner.

Dahil dito, marami tuloy sa followers ni Phil ang nagtatanong kung ito ba ang bago niyang girlfriend.

Hindi binanggit ng Fil-Brit football player kung ano ang relasyon niya sa nasabing babae, pero base sa iba pang mga larawang ipinost ng atleta, magkasama rin sila sa ilang trips.

Sa isang larawan na ipinost ni Phil noong nakaraang linggo, makikita sila ng kasama niyang babae habang nasa isang location ng sikat na movie franchise na Harry Potter sa London, England.

Sa ikalawang Instagram photo, magkayakap si Phil at ang babae habang nasa pool sa kanilang “weekend getaway.”

Nice little weekend getaway. A couple days filled with beautiful sights, wonderful views and a lot of memorable experiences 😍

A photo posted by Phil Younghusband (@philyounghusband10) onSep 27, 2015 at 12:19am PDT

Sa Instagram account naman ng babae, nag-post din siya ng larawan nilang dalawa ni Phil sa pagpunta nila sa Canterbury, England.

Exploring Kent. 😊

A photo posted by Mags Hall (@magshall_) onSep 18, 2015 at 9:39am PDT

MAGS HALL. Sa pananaliksik, napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na Mags Hall ang pangalan ng babaeng kasama ni Phil.

Kinumpirma naman ng manager ni Phil na si Cathy Nazareno sa PEP na si Mags ay girlfriend nga ng Filipino-British football player.

Si Mags ay kabilang sa female models na nakalista sa website ng isang UK commercial model agency.

(Photo from Mags Hall's Instagram)

Nakalagay sa information ng modelo na may dugo siyang Filipino at Spanish.

Kabilang sa mga interes niya ang pagmomodelo, dancing, at acting.

Athletic at fitness buff din si Mags; mahilig siya sa acrobat, football, mag-gym, at tumakbo.

(Photo from Mags Hall's Instagram)

Si Angel Locsin ang huling nakarelasyon ni Phil; nag-break sila noong 2013.

Na-link din ang football player sa aktres na si Bangs Garcia at sa beauty queen na si Pia Wurtzbach.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN