Arci Muñoz reveals she almost quit showbiz

Sa loob ng halos sampung taon sa showbiz, masasabing nagbunga ang paghihintay ni Arci Muñoz dahil nabigyan siya ng malaking break sa telebisyon bilang isa sa mga bida ng Pasion de Amor sa ABS-CBN at ang kanyang pagbandera bilang 2016 calendar girl ng Ginebra San Miguel.


Si Arci Muñoz ang inilunsad na 2016 calendar girl ng Ginebra San Miguel.

Kahilera na ng 26-year-old actress-singer sina Marian Rivera, Anne Curtis, at Ellen Adarna na naging calendar girls din ng nasabing produkto.

Sabi ni Arci, “Siyempre I’m very happy and very overwhelmed.

“Napakalaking task nga ang ibinigay sa akin ng Ginebra, but I’ll make sure na we’ll just gonna have fun, and hindi sila nagkamali sa pagkuha sa akin.”

Wala naman daw masyadong restrictions sa photo shoot ni Arci para sa limang calendar layouts, pero hindi naman sobrang seksi ang mga ito.

Manginginom din ba siya katulad ng 2015 calendar girl na si Ellen Adarna?

Nakangiting sagot ni Arci, “Medyo. Hindi... tsaka kami ni Ellen, magkapatid kami niyan, e. So, pareho kaming baliw.”

Gaano nga ba kabaliw si Ellen sa tingin niya?

"Nakikita niyo naman, e, kayo na mag-judge.

“But she’s cool, hindi siya baliw na… baliw in a good way, ha.

"She’s really funny, she’s cool.

"Yun ang pinakaimportante, easy to hang out with, sobrang astig lang."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Arci sa launching niya bilang 2016 calendar girl ng Ginebra, ngayong Martes ng tanghali, September 29.



HAPPY TO BE A KAPAMILYA. Ayon kay Arci, nagbunga ang matagal na paghihintay niya sa showbiz.

Nagsimula siya noong 2005 nang sumali siya sa reality-based artista search ng GMA Network na StarStruck Season 3.

Taong 2010, lumipat siya sa TV5 at lumabas sa iba’t ibang programa hanggang sa mabigyan ng lead role sa teleseryeng Felina: Prinsesa ng mga Pusa.

Nagtapos ang kontrata niya sa TV5 noong 2014, at pagkatapos nito ay lumipat naman siya sa ABS-CBN.

Pahayag ni Arci, “Blessings. Sobra, isipin mo naman lahat na ng istasyon napuntahan ko, di ba?

“Opo, opo... Yun nga, hindi nga naman talaga overnight yung success.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga ano, e, nasa… yung journey, yun yung importante.

“Yung mga natutunan ko along the way.

"Sobrang dami kong natutunan lalo ngayon na nasa Kapamilya na ako.

“Ibang klase, in just a short period of time, ang dami nilang naituro sa akin, and I will cherish that forever.”

Isa pa sa ikinatuwa ni Arci ay ang pagkakasama niya sa Kapamilya stars na nagpunta sa London, noong September 6, para sa ASAP 20 in London.

Nakasama niya rito ang kaibigang si Alex Gonzaga na kasamahan din niya noon sa TV5.

May gigil na sabi ng dalaga, “Oo lagi, sa ASAP. Nag-London din kami for ASAP. O, di ba?

"Ang dami talagang blessings, naka-London ako!

"Sobrang thank you din sa ASAP, hindi ko akalain.

"Hindi naman ako performer. Pero sobra silang mag-push."



QUITTING SHOWBIZ? Aminado si Arci na naisipan niyang tuluyan nang mamahinga sa mundo ng showbiz pagkatapos ng kanyang kontrata sa TV5.

Saad ng Pasion de Amor star, “Oo, kasi after nung contract ko with TV5, parang…

"Nung hindi ako ni-renew, sabi ko, ‘A, maybe it’s not really for me. Maybe, I’m not really meant to be an actress.

"'Baka maging rock star na lang talaga ako, baka yun talaga ang para sa akin.'

“Tapos nun, nagpa-audition sila for Pasion de Amor para sa role ni Norma, nakuha ako.

"Kahit nung nakuha naman ako, nabasag naman yung mukha ko.

“Buti na lang talaga nung time na yun, si Jake [Cuenca], kailangan niyang pumunta ng New York. So, may time ako magpagaling.

“So, parang one month siya nandun, nag-aral.”

Masasabi ba niyang taon niya ang 2015?

“I think so. Sana 2016, more,” asam ni Arci.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN