Glaiza de Castro feels she is being pressured by her LGBT fans to be what she is not

Glaiza de Castro reveals she has always been into music before she was waylaid into acting, and she has noble intention: "When it comes to music, personal talaga ang dating nito. Kapag acting, trabaho ‘yan. Pagdating sa music, kumbaga mine-make sure ko na meron talagang part of me na isini-share ko sa tao. Gusto ko rin na tumulong sa mga katulad ko na nagda-doubt sa music niya. Kapag may nakita na nandun ang potential pero wala siyang lakas ng loob, tutulungan ko siya ru


Aminado si Glaiza de Castro na dahil sa huling primetime series niyang The Rich Man’s Daughter (TRMD) ay nakabuo siya ng bagong hukbo ng mga tagahanga.

“Akalain mo yun!” natawang sambit niya.

Nalalapit na ang kauna-unahang major concert ni Glaiza, ang Dreams Never End sa Music Museum, ngayong Sabado, October 3.

Mas lumakas ba ang loob niyang mag-concert dahil na rin sa naging mainit na pagtanggap sa kanya sa TRMD?

Sagot ng Kapuso actress-singer, “Of course, kasi naramdaman ko yung support nila, hindi lang sa show kundi pati na rin sa music.

“Kapag nagmu-mall show ako, ang dami nila, sumasabay sila sa mga kanta ko.”

Pakiramdam daw ni Glaiza, 50 percent ang nadagdag sa fans niya mula nang gawin niya ang TRMD.

Dahil dumami ang humahanga sa kanya pagkatapos niyang gawin ang TRMD, kung saang isang lesbian ang ginampanan niya, may napansin ba siyang nabago sa kanya?

Saad ni Glaiza, “Siguro yung confidence, nadagdagan siya, mas nagkaroon ako ng lakas ng loob na i-pursue ang music.

“Kasi alam kong may makaka-appreciate na.”

At marami sa supporters niya ang gustong maniwala na kaya niyang i-represent ang LGBT.

“Nage-gets ko ang sinasabi mo.

“Sa totoo lang, ngayon ang daming nagpu-push sa akin, parang merong make believe.

“Sa totoo lang, nagta-try ako na gumawa ng paraan para maalis ang image ko dun.

“Kasi parang ikinakagalit ng iba na hindi raw ako magpaka-totoo sa sarili ko, bina-bash nila ako dun.

“Na, 'Bakit tumitiwalag ka na sa Rastro [her loveteam with Rhian Ramos]?' Na, 'Bakit sabi mo, after Rastro, meron pa kayong gagawin?'"

Sabi naman ni Glaiza, “Hindi niyo ba kami nakita sa VADK [Vampire Ang Daddy Ko]… ‘eto, may concert?

“Parang sa tingin ko, naging responsibility siya na kailangan kong panghawakan, parang obligasyon.

“I just portrayed a role and I’m fulfilled and happy by representing them in a certain way.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero yung ipi-pressure nila ako at magme-make believe na ganun talaga ko in real life…

“Parang sana, respeto, kasi nirespeto ko rin sila in the first place.”

Malakas din ang kapit ni Glaiza sa sarili na hindi magpadala sa kung ano ang idinidikta ng ilan sa kanya.

“Oo, malakas din ang faith ko.

“At siyempre, yung pamilya ko na para yung foundation, hindi mabuwag.”

Naidagdag ni Glaiza na isa sa masayang panoorin sa Dreams Never End concert niya ay ang song number nila ni Rhian Ramos.

PERSONAL MUSIC. Lumalabas ang pagka-enterprising ni Glaiza sa mga kuwento niya.

Pinasok na niya ang pagnenegosyo, na sinimulan niya sa kanyang sariling talent school. Restaurateur na rin siya bilang may-ari ng Runner’s Kitchen restaurant.

Siya rin ang nag-produce ng song album niya na Synthesis at ng kanyang upcoming concert sa Music Museum.

Mahigit dalawang buwan daw ang naging preparasyon nila para sa Dreams Never End concert.

Pag-amin ni Glaiza, “Ninenerbiyos ako kasi first time na I’m producing a concert, good thing na may support ng network [GMA-7].

“The technical side talaga, hindi ko siya forte, mas sa creative ako, magbuo ng konsepto.

“At pangarap ko talaga na makatrabaho si Direk Rico Gutierrez.

“Kasi nung time na nagpa-Party Pilipinas kami, gusto ko yung kung paano siya magdirek ng show.”

Dahil nalinya siya sa pag-arte, naisip ba niya noon na posibleng mangyari ang lahat ng ito—isang album na nagta-top sa chart at isang major solo concert?

“Gusto ko siyang mangyari, pero hindi ko na-imagine na ganito ang kalalabasan.

“Basta ang gusto ko lang, kumanta.... satisfied na ako na nakakanta ko yung mga kanta ko.

“Nakakapagbuo pa rin ako ng mga albums, pero yung may concert at ganito kalaki…

“Kasi nag-uusap nga kami ni Nanay, 'Seryoso na talaga tayo, seryoso na ‘to talaga!'” natawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Nang gawin nga raw ni Glaiza ang album na Synthesis, gusto niya lang itong magawa for personal satisfaction.

“It’s more on an outlet, yung pagbalanse kung sino talaga ako at kung ano ang dapat kong gawin.

“Yun ang dati ko pang struggle na sinasabi ko sa mga kaibigan ko talaga, kahit noong mga Dading days.

“Si Gabby [Eigenmann] lang, sinasabi ko sa kanya, ‘Gabs, hindi ko alam kung saan ako papupunta,’ yung mga ganung struggle.

“Give in na lang ba ako tapos papabayaan ko na lang yung music ko, e, gusto ko siyang mangyari.

“Actually, when it comes to music, personal talaga ang dating nito.

“Kapag acting, trabaho ‘yan.

“Pagdating sa music, kumbaga, mine-make sure ko na meron talagang part of me na sini-share ko sa tao.”

Pinangarap ba niyang makapag-concert sa mas malaking venue tulad ng Araneta Coliseum o MOA Arena?

Sagot ni Glaiza, “Gusto ko rin yun at gusto ko rin na tumulong sa mga katulad ko na nagda-doubt sa music niya.

“Kapag may nakita akong isang tao na talagang nandun ang potential pero wala siyang lakas ng loob, tutulungan ko siya dun.

“Ako kasi, parang ibinigay sa akin ang blessing na ‘to, so to pay it forward.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN