Wally Bayola wants real-life relationship between Alden Richards and Maine Mendoza

Wally Bayola says Maine Mendoza has the makings of a good comedienne: "May pagka-komedyante talaga ang bata. Kasi, may mga punchline din siya na hindi naman namin itinuturo, kanya lang talaga. Nasa tiyempo rin magpatawa."


Kung istrikto ang karakter niyang si Lola Nidora sa pag-iibigan nina Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) sa Kalyeserye ng Eat Bulaga, inamin ni Wally Bayola na kabaliktaran ang nararamdaman niya sa totoong buhay.

Gusto ni Wally na magkaroon ng relasyon sina Alden at Maine off-camera.

Sabi ng komedyante, “Siyempre, kumbaga ako, binata naman si Alden, dalaga naman si Maine. Walang masama.

“Sa tingin ko sa kanilang dalawa, kung iisipin natin, sa tatlong buwan na araw-araw ganun ang ginagawa mo, pakilig, siguro may chance talaga na ma-develop na ganun.”

Ayon kay Wally, hindi pa nagpapalitan ng numero sina Alden at Maine.

Nagkikita at nagkakausap lamang daw ang dalawa sa kanilang Kalyeserye.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Wally sa Zirkoh Tomas Morato, nitong Miyerkules ng gabi, September 30.

Nag-perform si Wally nang gabing idinaos ang joint birthday celebration ng Abante Una Sa Balita entertainment editor na si Dondon Sermino at ang columnist na si Jun Nardo sa nasabing venue.

TRUE FEELINGS. Bilang sila ang laging magkasama sa location, napapansin ba ni Wally na nai-in love na talaga si Maine kay Alden?

Lahad niya, “Tinatanong ko si Maine. Sabi ko, ‘Maine, ano, okey ka lang ba?’

“Ayaw niya rin magsalita kasi hindi rin naman niya siguro alam sa guy.

"Itinatago niya lang, kasi baka naman lumabas, 'Ako lang ba may gusto?'

“Pero hindi ko alam, kasi nahahalata naman minsan sa arte-arte niya.

“Minsan nga, [sinasabi ko], ‘Uy, hindi ka na umaarte!’”

Patuloy pa ni Wally, “Minsan, nagkatawanan kami ni Maine na, 'Uy, Maalden kita.’

"Parang sagutan nila sa fan sign nila. Sagutan nang sagutan.

"Tapos may naisulat si Maine na, ‘Paalam mo ako sa tatay ko.’

“Kanya lang yun, e.

"Sabi ko, ‘Wala kang tatay rito, lola lang.’

"'Si Dodong!' Ang bilis din niyang bumawi.

"Pero alam mo yung minsan, nadadala sa biru-biruan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MAINE, THE COMEDIENNE. Nakikita ba ni Wally ang mga katangian ng isang magaling na komedyante kay Maine?

Sagot niya, “May pagka-komedyante talaga ang bata.

"Kasi, may mga punchline din siya na hindi naman namin itinuturo, kanya lang talaga.

"Nasa tiyempo rin magpatawa."

Ayon sa kuwento ng mommy ni Maine, talagang mahilig na itong mag-make face kahit noong maliit pa lang siya.

Binibiro rin daw ni Wally si Maine na baka ampon lang siya.

Kuwento niya, “Nakita ko yung mga kapatid, ang puputi. Sabi ko, ‘Hindi ka kaya ampon?’

“Tapos sabi niya, ‘Noong una nga, tinanong ko rin ‘yan.’

“Tapos parang Chinese ang mga kapatid, tapos siya, malaki ang mata.

"Kaya sabi ko, ‘Hala ka, ampon ka yata!’

“Pero hindi...”

Off-cam, naoobserbahan nilang tahimik lang si Maine.

“Tahimik lang siya, tapos walang PA [personal assistant],” sabi ni Wally.

UNAWARE OF HER POPULARITY. Dahil sila nina Jose Manalo at Paolo Ballesteros ang nakakasama ni Maine palagi, napagkukuwentuhan din daw nila ang mga nangyayari sa bagong TV sensation.

Saad ni Wally, “6 A.M. na siya na-pack-up... parang hindi pa nagsi-sink in sa kanya yung ganun.

"'Pagod na pagod ako. Parang hindi ako makatayo nang matagal.'

“Sabi ko, ‘Okey lang ‘yan. Tapos, just in case na umiba ang pakiramdam mo, tapikin mo lang ako.’

"Tapos sabi ko, ‘Kumain ka kasi nang maayos.’ Kasi hindi naman palakain.

“Tapos, hinahawakan ko siya. Sabi ko, 'Basta tapikin mo ako,' at kunwari uutusan ko siya [Yaya Dub].

“Eto na, aba, nang makita si Alden, biglang sumigla! Sumayaw pa! Biniro ko nga.

“Tapos sabi, ‘E, siyempre Kuya, hindi puwedeng magpahalata na ano...’

“[Sabi ko kay Maine], ‘O, sige, marunong ka na rin umarte.’”

Napapansin daw nilang hindi pa nagsi-sink in kay Maine ang estado nito ngayon at nakakalimutang sikat na sikat na siya.

Kuwento ni Wally, “Minsan nakakalimot. Hindi pa talaga niya alam na sikat na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Walang PA. Siya ang may dala ng bag niya, kung anu-ano.

“Ilalapag diyan. Halimbawa, dito ang standby area, sa labas ang catering.

"E, yung mga tao, nasa labas, naghihintay.

“Nagkukuwentuhan kami, biglang may commotion.

"So kami, ‘Ano yun? ano yun? Ay, si Yaya Dub, kumuha ng pagkain!’

"Siyempre, pinagkaguluhan siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN