Wally Bayola overwhelmed by positive response to his Lola Nidora character

Wally Bayola on the value of Lola Nidora to today’s generation: “Kasi ako, bilang isang tatay, nakikita ko ngayon sa mga anak ko, parang teenager na, 'Ganito na ba talaga ang mga kabataan ngayon?' Mahirap kontrahin. Pero dapat ‘wag makalimot at ituro sa kanila na mas maganda ang dating kultura ng panliligaw.”


Madalas naisusulat na deserving si Wally Bayola na manalo ng award dahil sa iba’t ibang karakter na ginagampanan niya sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Bukod kay Lola Nidora, ginagampanan din ni Wally ang papel bilang Duhrizz, ang apo niya, at Rihanna, ang mayordoma sa mansyon.

Reaksiyon dito ng comedian, “Siyempre po, nakaka-overwhelm.

"Pero sabi ko nga, yung simpleng marami kang napapatawa...

"Kumbaga kasi, marami ang nagsasabi sa amin, lalo na nung isang beses na nagpunta ako sa St. Luke’s [Hospital], ang sabi sa akin, ‘Meron kang tagahanga na ganito, puwede ka raw bang pumunta dubn?’

“Pinuntahan ko ang nanay. Sabi sa akin, ‘Salamat po. Naaawa kami sa nanay namin.’

“Pero kapag nanonood siya ng AlDub, nag-i-smile raw ang nanay nila.

"Yun ang malaking reward sa amin. Nakakapagpasaya kami ng taong malungkot, may sakit.

"Yun na ang malaking reward."



TURNAROUND. Ayon kay Wally, sa dami ng characters na ginawa niya, pinakaiba raw talaga si Lola Nidora.

“Sa tagal ko na rin na maraming ginagaya, talagang ito lang si Lola Nidora ang nabigyan ng moment.”

Kung dati ay kontrabida ang dating ni Lola Nidora sa pag-iibigan nina Alden at Yaya Dub, ngayon ay kabaligtaran na.

Marami ang natutuwa at nai-inspire sa words of wisdom nba ibinabahagi ni Lola Nidora sa Kalyeserye.

Sabi ni Wally, “Nagulat lang ako dahil nagkataon na yung lola, hindi na masyadong galit.

"Hindi na masyadong galit sa dalawa [Alden at Yaya Dub].

“Parang pumapayag na siya. Marami na ang nagmamahal kay Lola sa AlDub Nation.”

Ano naman ang reaksiyon ng mga anak ni Wally sa karakter niya sa Kalyeserye?

Natatawang sagot niya, “Noong una, noong parang kinokontra ko si Alden, galit!

"Lalo na yung maliit. Sabi niya, ‘Papa, bakit naman mad ka kay Alden?'

"Sabi ko, ‘Hindi, script lang yun, anak.’

“Tapos noong pumapayag na ako, sabi sa akin ng bunso ko, ‘Very good na si Papa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



TRADITION OF COURTSHIP. Sang-ayon ba si Wally sa sinasabing hindi mabubuo ang Kalyeserye ng AlDub kung wala siya?

Nakangiting tugon niya, “Siyempre, unang-una, wala naman talagang plano sa script na mangyayari ang AlDub.

"Kami lang talaga ni Yaya ang magkasama, magka-buddy.

“Hanggang sa magkaroon na nga ng kilig moment, ayun na, nag-beast mode na ang lola!

"So, yun, parang na-realize na, ‘O, sige na, pagbigyan na ang mga kabataan.’

“Kaya lang, sa ano pa rin, sa kagustuhan pa rin ng mga lola.

“Parang panahon ng ‘70s, ‘80s na ganun kaistrikto ang mga nanay.”


Natutuwa rin si Wally na sa pamamagitan ng Kalyeserye nila, muling nabubuhay at naibabalik ang mga tradisyon natin, lalo na sa pagliligawan.

Saad niya, “Kasi ako, bilang isang tatay, nakikita ko ngayon sa mga anak ko, parang teenager na, 'Ganito na ba talaga ang mga kabataan ngayon?'

"Mahirap kontrahin. Pero siyempre, makisakay.

"Pero dapat huwag makalimot at ituro sa kanila na mas maganda ang dating kultura ng panliligaw.

“Kasi ngayon, text-text lang, chat-chat lang, okey na.”



COMEBACK KID. Ano ang masasabi ni Wally na masaya halos ang lahat dahil nakabawi na siya pagkatapos ng napagdaanan niyang unos?

Tugon niya, “Masaya ako, lalo na sa mga mentors ko, yung mga unang-unang sabi ko na hindi ko sasayangin yung chance na ibinigay nila.

“Unang-una na ang mga boss ko sa Eat Bulaga, mga mentors ko, sina Mamu [Andrew de Real], yung mga nagtuturo sa akin dati.

“Sa school ko siyempre, sa pinagtapusan kong school, sa Naga.

"Sa mga taga-Naga, mga kababayan ko sa Naga, mga Bicolano.

“At least, sabi ko, naibawi ko yung chance na ibinigay.”

Ano ang nararamdaman ni Wally sa popularidad at tagumpay niya ngayon?

Sagot niya, “Masaya na nakaka-overwhelm lang.

“Yung trabaho namin sa Eat Bulaga, yung hirap, sabi nga nila, 'Grabe yung ginagawa mo, ang init-init.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, costume-costume sa init ng araw.

"Sabi ko naman, salamat at maganda ang rehistro ng paghihirap namin, maganda ang resulta bilang nagpapasalamat kami nang sobra.”

Overwhelming daw talaga ang pakiramdam, lalo na sa bilang ng mga tweets na natatanggap ng AlDub araw-araw.

Noong Sabado nga, September 26, ay umabot sa 25.6 million ang tweets para sa #ALDubEBforLove.

“Talagang sabi ko nga, hindi naman ito kagagawan ng Eat Bulaga o GMA, tao, tao talaga.

"Talagang yung mga AlDub fans, dabarkads, talagang sila."

Pero nilinaw ni Wally na hindi sa kanya ang @wallybayola account sa Twitter.

Ang @walterjamesbayola sa Instagram lang daw ang opisyal na social media account niya.

“Hindi na ako nakagawa ng Twitter kasi may nauna na.

"May nauna nang hindi ako. Sa Facebook, may nauna na.

"Pero yung totoong Facebook at Instagram ko, Walter James Bayola."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN