Yassi Pressman on JM de Guzman's state of mind: “He's really, really hurt.”

Robi Domingo and Yassi Pressman, along with Andre Paras and JM de Guzman, are the newest "Barkadas" of a pizza pasta chain. They were launched in an event held yesterday, but JM was a no show.


Kapansin-pansin ang hindi pagdalo ng aktor na si JM de Guzman sa event ng pizza and pasta chain na iniendorso niya, na ginanap Huwebes ng tanghali, October 1.

Ipinakilala kahapon ng Greenwich Pizza ang kanilang newest Barkada—sina Yassi Pressman, Andre Paras, Robi Domingo, at JM de Guzman—kasabay ng bagong pizza flavor na cheesy steak and fries overload.

Sa apat na bagong endorsers, si JM lamang ang hindi nakarating sa nasabing event dahil umano sa prior commitment ng All of Me actor.

Gayunman, hindi maiwasang mapuna ito ng press dahil may usap-usapang may pinagdadaanan ngayon ang Kapamilya actor, na marahil ay dala umano ng pagkakakalabuan nila ng kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang co-endorser na si Yassi, tila pahapyaw na kinumpirma ng young actress na may pinagdadaanan nga ang aktor.

Noon daw kasing sinu-shoot nila ang kanilang TV commercial, napansin ni Yassi na, “Parang he wasn't feeling okay.

“Parang ako naman, bilang lalaki [siya], I understand naman kung ano ang pinagdadaanan niya.

“I just don't wanna go to anyone's side. Pero parang I heard both stories.

“If he's not okay, I hope that he gets better, I mean, emotionally.

“I don't believe anything else, kasi I really don't think that he's not okay like that.

“But emotionally, he's really, really hurt.”

Sa kabilang banda, hindi rin direktang nagsalita si Robi tungkol sa estado ngayon ni JM.

Aniya, “I think I'm not in the position to tell what's going on sa buhay niya.

“Whatever happens, I'll be there for JM. And I'll be there kung saan yung totoo.”

Hindi raw ito mahirap gawin para kay Robi dahil, aniya, “I've been friends with JM for a long time.

“Ang hindi alam ng karamihan, talagang on and off cam, talagang sinusuportahan ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Not just because he's from the Kapamilya network, pero kasi sobrang naniniwala ako sa kakayahan niya."

Kung may pagkakataon, gusto raw niyang makausap nang personal si JM.

At kung sakali, ano kaya ang maia-advice niya kay JM?

Sagot ni Robi, “Just stay true to yourself, focus on the blessings that you have, and have a positive disposition sa buhay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN