Bianca Gonzalez starts maternity leave; announces name of baby girl

"It’s my 34th week, it’s exciting pero nakakakaba at the same time,” says Bianca Gonzalez as she awaits the coming of her first baby. But it's her hubby JC Intal who is most excited about being a parent. Bianca says, "Super excited... gusto na niya talagang magkaanak, talagang sobra.”


Pansamantala munang magpapahinga sa cable show na Cinema News at sa reality show na Pinoy Big Brother 737 ang Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez.

“This week... di ko kung alam kung kailan ako babalik.

“Malay naman natin, kasi puwede ko naman siyang dalhin, di ba?

“Yeah, di ko na maabutan ang Big Night [ng PBB 737] kasi pa-forty weeks na ako, delikado talaga.

“Very, very supportive din naman ang ABS CBN sa akin,” sabi ni Bianca sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News.

BABY LUCIA. Sa baby shower ng Cinema News team para kay Bianca sa LA Praire Restaurant noong September 24, ibinahagi niya ang magiging pangalan ng anak nila ni JC.

Paliwanag niya, “Lucia means light, nagkataon siguro the things that happened in the past months, ang gaganda.

"Si JC, he really wants girl. Ako talaga, boy, kasi I have a kuya."

Dagdag niya, “This weekend, it’s my thirty-fourth week, it’s exciting, pero nakakakaba at the same time.”

Ready na ang nursery room ni baby Lucia?

“No, not yet at all, unti... kaunti, like the room is clean, the room is okay.

“Si JC is super excited, pressure... gusto na niya talagang magkaanak, talagang sobra!”

Nabanaag na ba nila sa 3D ultrasound kung sino ang kamukha ng panganay nila?

“Naku, hindi ko alam, yung face… kasi sabi ko nga ibang-iba kami ng histura ni JC.

“Di ko alam, siguro height niya, ilong ko.”

Ayon kay Bianca, dalawa hanggang tatlong taon bago nila susundan si Baby Lucia.

“Gusto ko malaki na ang una bago masundan.

“Gusto ko i-enjoy, saka mahirap mag-alaga pag dalawang maliit.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN