Sheryl Cruz: "What I’ve said I won’t retract... mayroon naman akong paninindigan."

Sheryl Cruz is hardpressed to explain her conviction: “I’m not a politician... I am a showbiz person, and I am a musician, yun ang pinaka-close sa heart ko. Kung anuman yung nasabi ko, that is a piece of my mind and I am entitled to that because I am a Filipino, I am a voter."


Patuloy na naninindigan si Sheryl Cruz sa binitawan niyang mga pahayag kaugnay sa pagtakbo sa pagka-Pangulo ng pinsan niyang si Senator Grace Poe sa 2016 elections.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press kay Sheryl noong Oktubre 1, sa Relish Hello Happiness, sa Quezon City, sinabi ng aktres na hindi niya babawiin ang kanyang mga sinabi.

“First of all, what I’ve said I won’t retract.

"Iyon ang akin, mayroon naman akong paninindigan, di ba?"

“Iyon ang akin, not for anything else.

"I respect everyone in my family and I love everyone in my family, including her [Senator Grace].

“Kasi kung wala akong concern, I won’t speak up.

“Concerned ako sa aking pinsan, ayokong mangyari sa kanya kung ano ang nangyari kay Uncle Ronnie [Fernando Poe Jr.] before,” sabi ni Sheryl.

Ang yumaong King of Philippine Movie ay tumakbong presidente noong 2004.

HURT. Nasaktan daw si Sheryl na maraming negatibong lumabas laban sa kanya at marami ang minasama ang kanyang mga sinabi.

“Of course naman, hindi naman sa hindi ka nasaktan, masyado lang naging malaki yung reaksiyon na hindi naman dapat ganun.

“Ang sa akin lang, lahat naman tayo may karapatan sa ating mga sariling opinyon,” sabi niya.

Hindi pa raw nakakausap ni Sheryl si Senator Grace matapos pumutok ang isyu. Pero bukas naman daw siya sa pakikipag-usap.

Saad ni Sheryl, “Sinabi ko naman na ang communication line ko is always open.

“They all know that, wala naman akong hindi kinakausap.”

Matagal na rin daw nang huli silang mag-usap ni Senator Grace nung April 5 this year, birthday ni Sheryl.

Maging ang tiyahin niyang si Susan Roces, ina ni Senator Grace, ay hindi pa rin daw niya nakakausap.

Aniya, “Hindi pa kami nagkakausap kasi nga busy kami sa taping [ng mga teleserye], at saka pumunta nga ako ng Brunei recently.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT INSECURE. Ano naman ang masasabi niya sa isyung naiinggit lang umano siya kay Senator Grace?

“Alam niyo, masama yung mainggit, ang inggit ko ay hindi inggit na nakakasira para sa akin.

“Inggit na sana isang araw maging kasing galing ko rin siya.

“It’s a constructive thing, ayoko ng negative, di ba?

“Hindi ko gusto na naiinggit kasi ang inggit nakakamatay iyon, e.

“At hindi lang ganun, you have to get over your insecurities in life, whatever they may be.

“Basta ang sabi lang naman sa akin, you cannot always get what you want.

“May mga things na ibinibigay sa atin ang Diyos, at mayroon din naman na hindi sa atin ibinibigay.

“I don’t know why, ayoko na lang kuwestiyunin.

“Basta kung saan Niya ako gustong dalhin, I will always listen sa nandoon sa taas.”

NON-POLITICAL. Ayon pa kay Sheryl, hangga’t maaari nga ay ayaw niyang isipin ang pulitika ngayon.

“I really don’t want to think politics right now because I’m not a politician.

“I am a showbiz person, and I am a musician, yun ang pinaka-close sa heart ko.

“Hindi sa hindi ko iginagalang yung propesyon ng iba.

“Para sa akin, ang pinakamalapit sa propesyon ko ngayon ay nandito… kayong lahat na mga press people.

“Of course, sa showbiz industry and music industry, yun ang malapit sa puso ko at iyon ang concentration ko.

“So, kung anuman iyong sa pulitika, ipinapaubaya ko iyan sa mga politician natin.

“Kung anuman yung nasabi ko, that is a piece of my mind and I am entitled to that because I am a Filipino, I am a voter.

“I have to be choosy when it comes to the president na mag-aalaga sa bansa natin…

“Na magpapatuloy ng kinabukasan ng maraming kabataan dito sa Pilipinas.

“Yung sa akin lang kasi, it’s just my opinion sa mga nakikita ko, sa mga nababasa ko rin naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I am a very observant person within the family, and I am very vocal about my point of view.

“There may be times hindi kami nagkakaroon ng pagkakasunduan dahil nga sang-ayon sila, hindi ako sang-ayon.

“But it doesn’t mean hindi kami pamilya o hindi ko sila mahal, pinapairal ko lang yung conscience ko.

“Kung ano sa palagay ko yung tama, kung ano sa palagay ko hindi tama.

“Ang gagawin ko, susundin ko yung konsensiya ko… kung ano yung tama, yun ang gagawin ko, yun ang susundin ko.”

IT'S IN THE HEART. Ikinagulat nga raw ni Sheryl nang may lumabas na diumano’y pakana ng kampo ni Vice President Jejomar Binay o ng kampo ni Mar Roxas ang kanyang pagsasalita kontra sa pagtakbo ni Senator Grace.

“Dahil nga iba-iba yung makakasama niyang lalaban dito sa presidential elections, alam ko naman na gagamitin din nila ito.

“Pero iyong sa akin naman, hindi naman ganun kabobo ang mga Pilipino, may mga isip iyan.

“At ngayon mas careful na silang pumili ng kanilang mamumuno, di ba?

“Sa akin, hindi naman iyan pera-pera lang, kahit paano prinsipyo pa rin yung pinapairal ko, whatever it is.

“Yung natutunan ko sa pamilya ko sa pagpapalaki sa akin, iyon lang naman ang aking ginagawa at sinasabi,” pahayag ni Sheryl.

May napipisil na ba siyang susuportahang kandidato sa pagka-Pangulo sa 2016?

Sagot niya, “Wala pa, kasi napakaimportante niyan para sa akin dahil kinabukasan iyan ng buong bansa natin.

“Maraming magagaling, pero para sa akin, kung sino talaga yung puso nasa tao... yung puso nasa mga bata, nasa mga magulang.

“Makakatulong sa ating lahat, sa iba’t ibang industriya lalo na sa ating industriya ng sining.

“Kasi maraming pagkukulang dito sa industriya na kailangan pa ng suporta.”

May kumakausap na ba sa kanya para kunin siyang endorser o maging bahagi ng kampanya ng isang kandidato?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Sheryl, “Iyong sa akin ngayon, wala pa akong kinakausap na kahit sino.

“Ang inaasikaso ko muna is my concentration on Buena Familia [teleserye niya sa GMA], and of course, yung recording.

“Nagpe-prepare na rin ako kasi kakanta ako sa PMPC Star Awards for Music, so I will be singing 'Mananatili' live, kaya pinaghahandaan ko iyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN