Sheryl Cruz admits a Brunei royalty is courting her: “Ang alam ko, kamag-anak siya ng prince, so I think may royal blood din siya."

How to win Sheryl Cruz's heart? She says, "Ang pinakamahalaga diyan ay kasundo ng anak ko."


Balitang marami ang nanliligaw kay Sheryl Cruz ngayon.

Divorced na si Sheryl sa kanyang dating asawa na si Norman Bustos at nasa poder niya ang kanilang anak si Ashley Nicole.

“May mga nanliligaw sa akin, hindi ko iyan ide-deny, may mga nanliligaw...showbiz and non-showbiz.”

Totoo ba ang balita na may prinsipe raw sa Brunei na nanliligaw sa kanya ngayon kaya siya nagpunta roon kamakailan?

“Ang alam ko, kamag-anak siya ng prince, so I think may royal blood din siya.

“Inimbitahan niya ulit akong bumalik sa Brunei.”

Pero, “Right now, I take my work seriously.

“Sa dami ng pinagdaanan ko, sa dami ng mga bagyo, mga Ondoy na pinagdaanan ko sa buhay, uunahin ko muna yung sarili ko.

“Ang hirap ibangon ang sarili sa pagkakalugmok, sa pagkakadapa, although resilient akong tao.

“Bumabangon ako nang bumabangon kahit ilang beses pa akong patumbahin.

“Ginagawa ko maging mabuti silang kaibigan, whether without romance, pag kinailangan ko sila someday, nandiyan sila.”

So wala muna siyang love life sa ngayon?

“Ang love life ko, maganda yung may mga nagbibigay sa iyo ng flowers, nagsasabi sa iyong maganda ka, ganyan, kilig-kiligan.

“‘Tapos iyong sinasabing aalagaan nila yung anak mo para sa iyo… oo, masarap iyong nililigawan, e.

“Lahat ng mga best qualities makikita mo sa kanila, pero hindi ko naman sinasabi na lahat sila ganun, walang perfect.

“They are decent men, but you know, I get to see the other side, di ba yun yun?”

MUTUAL RESPECT. Hindi pa ba siya nadala o na-trauma sa failed marriage nila ni Norman?

“Hindi naman, I never regretted my relationship.

“Unang-una sa lahat, hindi mabubuo yung anak ko kung walang pagmamahal na namagitan, di ba?

“And until now, may mga qualities pa rin yung ex ko na kahit paminsan-minsan nami-miss ko at hinahanap ko.

“He has his own life at mayroon din naman siyang girlfriend, so I respect that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And nirerespeto nila na kasama ko yung anak ko at pinapanatili niya na kasama ko yung anak ko.”

Nag-iingat na siya ngayon?

“Maingat talaga ako, although gustung-gusto ko na may nag-aalaga sa akin.

“Sino ba naman ang hindi gustong magkaroon ng companion?

“Bilin ng nanay ko doon sa Amerika, ‘Anak, gusto ko naman pagdating ng panahon mayroon ka namang makasama sa buhay.

"'Dahil alam mo, magkakapamilya yung anak mo.’

“And sabi ko sa anak ko, ‘Pinapayagan mo ba akong mag-boyfriend? Puwede na ba akong mag-boyfriend?’

“E, medyo pinag-iisipan pa, so sabi ko, ‘Anak, hindi na bata si Mommy, hindi na ako thirty years old, forty na ako.’”

So kailangan aprubado rin ng anak niya ang magiging boyfriend niya?

“Oo naman, ang pinakamahalaga diyan ay kasundo ng anak ko.

“Di baleng yung ibang kamag-anak ko, basta iyong sa akin, makasundo ang anak ko, iyon ang importante.”

BUENA FAMILIA EXTENDED. Sa kabila ng kinaharap na mga kontrobersiya, nananatiling positibo si Sheryl sa kanyang pananaw sa buhay lalo na nga’t maganda naman ang takbo ng kanyang showbiz career.

“Para sa akin, ito yung mahal kong industriya, wala naman akong sinasabi na masama.

“Kung ano yung binitawan ko, iyon ay aking sariling opinyon at hindi ko naman nais na patagalin pa ito.

“Tumigil na naman din ako sa pananalita ko, although mayroon pa rin ibang naglalabasan.

“Maraming salamat lang sa nagsusuporta sa aking fans ko, kahit papaano ipinaglalaban nila ako.

“Pero yung sa akin, gusto ko ngang ibahagi sa kanilang lahat na na-extend iyong aming programa.

“Ito yung Buena Familia [sa GMA-7], maraming salamat sa support ninyo.

“Kasi kung ako may mga plano ako, di ba, bakit mag-e-extend o bakit ko gagawin ito, hanggang January ito.

“So maraming salamat sa Lord dahil kahit papaano hindi Niya talaga ako pinapabayaan,” sabi ni Sheryl.

POSITIVE ATTITUDE. Aware daw siya na sa showbiz at maging sa politics, “negative publicity o positive publicity is always a publicity.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anuman ang naging epekto ng pagpapa-interview ni Sheryl para ipahayag ang kanyang saloobin tungkol sa pagtakbo ng pinsan niyang si Senator Grace Poe sa pangka-pangulo, wala raw pinagsisisihan ang aktres.

Aniya, “Iyong sa akin, kilala niyo akong lahat, apat na taon pa lang ako nasa harapan niyo.

“Para naman akong lumaki sa inyong mga mata.

“Pito to eight years lang akong nawala sa industriya natin, then bumalik ako."

"Mahigit tatlong dekada na naririto ako kasama ninyong lahat, so wala akong itatago.

“Wala naman akong puwedeng itago, lahat naman iyan nasasabi ko sa inyo.

“Mga boyfriends ko, mga manliligaw ko, mga proyektong ginawa ko, ganyan.

“So irespeto na lang doon sa akin na ito. Opinyon ko ito, pananaw ko ito.

“Lahat naman nagbigay na ng kanya-kanyang panig, lahat naman iyon nirerespeto ko naman.

"Ang sa akin lang, I wish everyone well. Hindi na nga ako nag-iisip ng kung ano pa ang nangyari the past week.

“Dahil ang gusto ko, positive itong week na ito… gusto ko positive ang coming days to come.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN