Mark Neumann saddened by TV5's recent major retrenchment: “Ngayon pagpasok namin, ang daming cubicles na wala ng tao.”

Ikinalungkot ni Mark Neumann ang mga pagbabago sa TV5 nitong nakaraang buwan, kung saan maraming staff ng network ang nawala. Pero marami naman daw silang paparating na trabaho dahil sa mga blocktimers na nagbabalak mag-produce ng show sa istasyon.


Namataan nang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang TV5 star na si Mark Neumann sa GMA Annex Building kagabi, October 2.

Nang usisain namin siya, dadalo raw ang aktor sa taping ng birthday celebration ni German "Kuya Germs" Moreno sa show nitong Walang Tulugan with the Master Showman.

Sabi ni Mark, “Naimbita po kami ni Sir German Moreno para sa birthday niya. Kasi binigyan niya kami ng FAMAS Awards niya…achievement award.”

Sa nakaraang 63rd FAMAS Awards, isa si Mark sa nabigyan ng tropeo sa taunang pamamahagi ni Kuya Germs ng kanyang German Moreno Youth Achievement Awards.

Bukod sa kanya, nagawaran din sina Nadine Lustre, Robi Domingo, Sofia Andres, Diego Loyzaga, Kiko Estrada, Kim Rodriguez, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, at Jasmine Curtis-Smith.

Dagdag pa ng Kapatid star, “Sinabi niya [Kuya Germs] dun sa backstage [FAMAS] na lahat ng nakatanggap ng awards na pumunta sa birthday niya, so ayan nandito po ako.”

Nagpaalam naman daw siya sa TV5 management at pinayagan naman daw siya.

Samantala, nalungkot naman si Mark sa malaking pagbabagong nagaganap sa TV5. Na-dissolve kasi ang ilang departments ng network, at kabilang sa labis na naapektuhan ay ang entertainment department.

Read: TV5 reportedly undergoing 'major retrenchment'; offers special voluntary separation program to employees


Kuwento nito, “Medyo... kasi parang empty na yung office. Dati yung office namin sa artist center punung-puno ng mga tao.

“Ngayon pagpasok namin, ang daming cubicles na wala ng tao.”

May sinabi ba sa kanila ang management tungkol sa mga pangyayari?

Tugon ng Filipino-German actor, “Wala naman po. Ang sinabi lang naman…actually this gonna be consisting of line producers and blocktimers.

"So wala naman po masyadong nagbago kundi lalo lang kaming magkaroon ng trabaho kasi there’s more producers and line producers coming up.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN