DJ Mo Twister slams politicians involved in “twerk scandal”

DJ Mo Twister took to Instagram to slam the politicians involved in the controversial "twerk scandal" which went viral last week. In his first post, he said, “Political campaigning: It's More Fun In The Philippines!"


Hindi napigilan ni DJ Mo Twister na magbigay ng kanyang opinyon tungkol sa naganap na “twerk scandal” sa event ng Liberal Party noong nakaraang October 1.

Kahit na nakabase sa U.S. si DJ Mo, parati siyang updated sa mga nagaganap sa bansa, mapa-showbiz man o pulitika.

Itong latest controversy ay naganap sa birthday party ni Laguna Representative Benjamin Agarao, Jr. kunsaan naimbitahang mag-perform ng sexy number ang all-girl trio na kung tawagin ay Playgirls.

Noong araw ding yun, mabilis na kumalat sa social media ang mga photos at videos mula sa naturang event na ikinadismaya ng maraming netizens.

DJ MO'S POST. Sa kanyang Instagram account, nag-post si DJ Mo ng dalawang videos kunsaan makikita ang sexy at "twerking" performance ng Playgirls.

Sa unang video post, heto ang caption ni DJ Mo:

“Political campaigning: It's More Fun In The Philippines!

"So yeah, this happened at a LP gathering today attended by Presidential hopeful Mar Roxas as they celebrated in their horny yellow shirts the birthday of Laguna Congressman Benjie Agarao and according to the news, these girls were paid by Senatorial hopeful/MMDA Chairman Tolentino.

"Hold on while I masturbate my tax payments away and let me wipe my dick off with a yellow towel.”

Sa second video post, pinatamaan ni DJ Mo si President Noynoy Aquino at ang kanyang “friends.”

“Forget radio, television, podcasting, fuck it. I'm getting into politics. They get way more action than I do -- and you idiot voters get to pay for it! That's winning.

"Somewhere out there, these poor girls were paid with a stack of P500 bills, and that face on that bill must be disgusted that he let his son and his friends use it for this.”

CONTROVERSIAL. Sa naging interview sa trio, naimbitahan lang daw sila para mag-perform para sa isang birthday party.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw sila sinabihan na may mga politicians na kasama.

Nagulat na lang daw ang tatlo na event din pala iyon ng Liberal Party.

Nasa audience din ang presidential bet ng LP na si Secretary Mar Roxas, pero umalis daw ito kaagad bago pa mag-perform ang Playgirls sa entablado.

NOT TOLENTINO'S DOING. Nabanggit ng emcee ng event na ang Playgirls ay regalo diumano ni MMDA Chairman Francis Tolentino sa birthday celebrant na si Representaive Agarao.

Pero ayon sa balitang lumabas din noong gabi ng October 1, pinabulaanan ni Tolentino na siya ang nag-invite sa Playgirls.

Nag-sorry si Agarao kay Tolentino dahil nagkamali ang emcee sa pagbanggit ng pangalan nito. Ang kaibigan pala niya ang siyang nag-imbita sa Playgirls.

VAGUE INVITE. Ayon naman sa manager ng Playgirls na si Michael Tupaz, isang nagngangalang Joanna ang siyang kumontak sa kanya at inimbitahan ang Playgirls na mag-perform sa isang birthday party.

Wala raw nabanggit si Joanna na event din pala iyon ng Liberal Party.

Ang grupong Playgirls ay binubuo ng limang babae, pero tatlo lang daw ang nakarating sa event. Ito ay sina Carla, 19; Rhia , 25; at Jinky, 23. Ang dalawa pang member ay sina Red at Alliyah.

Noong 2009 pa nagbuo ang grupong Playgirls at nagkaroon pa sila ng album sa ilalim ng Viva Records titled Rated PG.

Regular na nagsu-show ang Playgirls sa Carlito’s Grill, Montalban, Rizal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN