Rocky Salumbides says marriage is "just a piece of paper"

Model/actor Rocky Salumbides, longtime boyfriend of Eula Valdes, on marriage: “O 'tapos 'pag nagkahiwalay kayo, ano mangyayari? Agawan ng gamit dito, papel na naman, di ba?”


Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang model/actor na si Rocky Salumbides kung “package deal” sila ng kanyang girlfriend na si Eula Valdes sa mga acting projects nila.

Pareho kasi silang kasama sa cast ng Princess In The Palace ng GMA-7.

“Uso pa ba yung ganun?” balik-tanong ni Rocky.

Ayon kay Rocky, hindi nga raw nila alam noong una na magkasama pala sila sa nabanggit na TV project ng APT Entertainment na kasalukuyang umeere sa GMA.

Pinagbibidahan ito ni Ryzza Mae Dizon bilang si Princess Cruz.

Patuloy ni Rocky, “Oo, kasi hindi na dapat inaalam yun, e.”

RELUCTANT STAR. Ito ang description ni Eula kay Rocky na nagsimula bilang isang in-demand male model dito at maging sa ibang bansa.

Ayaw raw kasi ni Rocky na mag-artista kahit nakatatlong acting awards na siya sa mga indie movies na ginawa nito.

“Oo, tanggi ako nang tanggi, lagi akong tumatanggi dati,” pagbabalik-tanaw niya.

Hindi raw kasi siya sanay noon na naghihintay nang matagal sa taping or shooting.

Dagdag pa niya, “Sanay kasi ako na may mga schedule lahat ng call time ng trabaho.

“Sanay ako na may schedule ka, kahit ano pa 'yang trabaho mo, may schedule ka tapos sinusunod talaga yung schedule.

"'Tapos mahaba yung pahinga mo,” banggit niya.

Karamihan kasi ng modeling stints ni Rocky ay sa ibang bansa.

“Hindi kagaya yung sistema dito sa atin kasi, uubusin nila yung buong taping, yung buong eksena mo sa isang eksena.

"So, may tendency rin talaga na bumibigay din yung katawan dahil wala kang tamang tulog, wala sa oras, 'tapos wala ka sa bahay mo.

“So iyon yung time na nag-adjust ako, e.

“Inisip ko na lang na kailangan ko na ring magtrabaho,” at tumawa ang model/actor.

ACTING CITATIONS. Saka sayang naman yung tatlong acting awards niya kung hindi siya magseseryoso sa pag-aartista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, hindi ko naman tinitingnan yung mga awards,” mapagkumbaba niyang saad.

Nagwagi siya bilang Best Supporting Actor sa mga indie movies na Tarima, Muli, at kamakailan lang, para rin sa Piring.

Biro pa nga ni Eula, matagal na siya sa showbiz bago nagka-award samantalang si Rocky, sa maikling panahon ay kinilala na agad ang pagiging aktor.

“God-given 'yan,” at humalakhak si Rocky.

KNOWING HIS PRIORITIES. Sa ngayon ay hindi aktibo sa modeling si Rocky.

“Kasi kakatapos ko lang ng isa pang indie film kay Direk Jack Gutierrez, As One. Istorya naman ito ng mga sundalo at rebelde sa Mindanao.

“So everytime kasi na may ginagampanan akong role, nawawala ako dun sa modeling side kasi kinakarir ko yung character, e.

“Halimbawa, ang kailangan na mukhang sundalo, papasukin ko yung mukhang sundalong character para pagdating sa set konti na lang yung gagawin ko.

“E, ngayon pag nagkasabay yung modeling at may pinaghahandaan akong character, minsan nawawala, nakikita nung mga ano na, ‘Ooops, parang may bitbit ka, a. Parang problemado.’

“Hindi nila alam naghahanda ako sa character, so namimili na lang ako.

“Pag medyo magaan yung character na may dumating na modeling, tinatanggap ko kasi medyo swak. Pero pag hindi swak, priority ko na lang.

“Mamimili na lang ako kung alin dun,” saad niya.

RELATIONSHIP WITH EULA. Halos siyam na taon na ang relasyon nila ni Eula. Paano sila tumatagal?

Kahit na noong simula ay may mga tumaas ang kilay sa relasyon nila dahil mas bata si Rocky kay Eula.

“O, ayan na nga, e.

“'Yang mga intriga na 'yan, paano kami nagtagal?

“E, eto pa, idagdag mo pa, hindi pa sila annulled, nagtagal na kami, bakit ko pa papasukin ang kasal?” sabi niya.

Hanggang ngayon ay hindi pa annulled ang kasal si Eula sa dati nitong asawa na si Richard Litonjua.

“Hindi pa, e. Anong gagawin ko? E, sa kanila na yun, sa side na nila yun. Bakit ko pakikialaman yun?” diin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

UNDERSTANDING AND TOLERANCE. So ano nga ang sikreto ng nagtatagal nilang relasyon?

Ayon kay Rocky, “Wala, lawakan mo lang yung pang-unawa mo, kung ano ba talaga ang gusto mo sa buhay.

“Kung gusto mo lang maglaro e di huwag kayong tumagal, maglaro ka nang maglaro.

“Kung gusto mong sumeryoso e di sumeryoso ka. Choice mo naman 'yan, choice naman ng mga tao yan e, bakit ka magpapa-epekto sa mga…”

Sino sa kanila ni Eula ang mas malawak ang pang-unawa?

“Ayaw kong ikumpara dun kasi babae yun, lalake ako, e.

“Iba yung tolerance niya, iba yung tolerance ko. So kung saan lang kayo magma-match, di ba?

“Parang sa inyo rin naman e sa relasyon ninyo, ganun din naman, di ba? Kung saan kayo magma-match,” paliwanag niya.

Relasyon ng bading at lalaki ang tinutukoy ni Rocky na comparison.

Patuloy niyang saad, “Siyempre kasi pare-parehas lang naman tayong tao, ano ang pinagkaiba ng bakla at saka straight, isang babae at isang lalaki, di ba?

“Totoo naman, e. Hindi mo naman kailangang aralin 'yan, e.”

COMPLICATIONS. Kapag annulled na ang kasal ni Eula, magpapakasal na ba sila?

“Diyan ko pag-iisipan 'yan pag dumating na ako sa chance na 'yan.

“Pero sa ngayon, ayoko munang harangin 'yan kasi ngayon stable yung mga bata,” pahayag niya.

May anak si Eula kay Ronnie Quizon at kay Richard, sina Miguel at Juliana.

“Kung magpapakasal kami, babaguhin na naman namin yung apelyido ng mga bata. Huwag na, di ba?

“Parang kumbaga, kung ano na yung nandiyan, iyan na yun.

“Wala namang... wala na akong pride sa relasyon, e.

“Ano ba naman yung apelyido at saka papel.

“Ang daling tanggalin 'yan at saka sunugin. Pahirap lang 'yan sa mga nagrerelasyon, di ba?” sabi pa niya.

JUST A PIECE OF PAPER.” Para kay Rocky, papel lang ang kasal.

“Papel lang yun! O, 'tapos 'pag nagkahiwalay kayo, ano mangyayari? Agawan ng gamit dito, papel na naman, di ba?” hirit pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya mas gusto niya na huwag ikasal, mas mahalaga raw na nagmamahalan ang dalawang tao.

“Mas okay na yung ganun, iyon na yung importante.”

Mas mahalaga raw ang pag-ibig kaysa papel.

“Siyempre naman, ano ba ang naibibigay ng papel? Kaya mo bang ipakain yun? Makakain mo ba yung mga pirma ng mga…” at tumawa si Rocky.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN