Senator Chiz Escudero reveals he and wife Heart Evangelista do not live in the same house

Senator Chiz Escudero (shown with wife Heart Evangelista) describes his daily schedule shuttling between two houses: “Maganda, masaya. Medyo mahirap lang, kasi wala naman kami sa iisang bahay.”


Pitong buwan nang kasal sina Senator Francis Escudero at Heart Evangelista pero hindi pa sila nagsasama sa iisang bahay dahil hindi kasya ang pamilya nila sa Quezon City townhouse ng senador.

“Weird” ang tawag ni Senator Chiz sa current set-up nila dahil palipat-lipat siya sa bahay na tinitirhan nila ng kanyang kambal na anak at sa townhouse na nirerentahan ni Heart.



SHUTTLING BETWEEN HOUSES. Ikinuwento ni Senator Chiz na tuwing gabi, pinapatulog muna niya ang mga anak na sina Quino at Chesi bago siya lumipat sa townhouse ni Heart na hindi kalayuan sa bahay niya.

Kinabukasan, gumigising siya nang maaga para ihatid sa school ang kambal na anak.

“Maganda, masaya. Medyo mahirap lang, kasi wala naman kami sa iisang bahay.

“Nagre-rent lang si Heart ng townhouse sa subdivision na tinitirhan ko rin.

“Hindi kasya roon ang mga gamit ko at ng mga anak ko. Hindi rin naman kasya sa townhouse ko ang mga gamit niya kaya medyo alanganin at magulo ang set-up namin ngayon,” ani Senator Chiz.

EXCITED ABOUT HEART'S NEW HOUSE. Sandali na lamang ang ipagtitiis ng mag-asawa dahil malapit nang matapos ang construction ng Mediterranean-inspired house ni Heart.

“At least, kapag natapos yung ipinapagawang bahay ni Heart, puwede kong sabihing 'ibinabahay' ako ni Heart Evangelista,” biro ni Escudero.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN