Maine Mendoza reveals condition should Alden Richards court her in real life: "Magpaalam lang po sa parents."

Kahit sa panayam nito sa telebisyon, hindi pa rin nagsalita si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub. Gumamit lang siya ng fan signs sa mga sagot niya kay Ricky Lo para sa CelebriTV exclusive interview na lumabas kaninang hapon, October 3.


Sumabak sa kakaibang panayam si Maine Mendoza o Yaya Dub sa batikang showbiz writer at TV host na si Ricky Lo para sa CelebriTV kaninang hapon, October 3.

Si Maine ang kalahati ng AlDub, ang loveteam nila ni Alden Richards sa tinaguriang kauna-unahang “kalyeserye” sa bansa na mapapanood sa noontime show ng GMA na Eat Bulaga!

Bukod kina Maine at Alden, inaabangan din sa segment sina Lola Nidora (Wally Bayola), Tidora (Paolo Ballesteros), at Tinidora (Jose Manalo).

Sa kalyesere at maging sa kanilang mga TV commercials, tanging sa dubsmash at fan signs lamang idinadaan nina Alden at Yaya Dub ang kanilang pag-uusap.

Kaya sa panayam ni Ricky, hindi pa rin nagsalita ang tinaguriang Queen of Dubsmash na si Maine kundi dinaan lang lahat sa fan signs ang mga sagot nito sa tanong ng host.

Tinagurian nila itong first fan-sign interview sa history ng Philippine television, at narito ang mga tanong at sagot sa unang bahagi.

Dati mas gusto raw niyang maging flight attendant. Ngayong sikat na siya, gusto na ba niya ang pag-aartista?

Umayon naman si Maine sa sinabi ni Ricky na malaki ang naging impluwensiya ni Alden sa desisyon niyang ito.

Sunod na tanong: Paano nabago ng kalyeserye ang buhay niya?

Ano ang naramdaman niya na sikat na siya ngayon?

Isa pang tanong sa dalagang tubong Bulacan: ano ang nararamdaman niya bilang si Maine (at hindi Yaya Dub) para kay Alden?

Ilang beses na silang pinayagan ni Lola Nidora na magkita nang personal?

Ang parents ba niya ay kasing istrikto ni Lola Nidora?

Bukod sa dimples ni Alden, ano pa ang gusto niya rito?

Sa tingin niya, ano naman ang gusto ni Alden sa mga bahagi ng katawan niya?

Ano ang mga napapansin niyang ugali ni Alden ngayong nagkikita na sila nang personal?


A.L.D.E.N. Sa isang bahagi ng panayam, hinamon ni Ricky si Maine kung ano ang mga naisip niyang salita sa bawat letra ng pangalan ni Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ang mga naging sagot ni Maine:



FROM REEL TO REAL? Sa huling bahagi ng interview, inusisa naman ni Ricky si Maine tungkol sa pag-ibig.

Ano ang naramdaman niya noong nagsalita siya ng "It must be love" sa isang episode ng kalyeserye.

Kasalukuyang single si Alden, siya din kaya?

Kung sakaling manligaw sa kanya si Alden ngayon, bibigyan ba niya ito ng mga kondisyon katulad nung binigay ni Lola Nidora?

Sa totoong buhay, kung manligaw si Alden sa kanya, may pag-asa ba ito?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN