Mark Bautista admits he stopped courting Sarah Geronimo because “di lang perfect timing”

Mark Bautista recalls the time he deliberately stopped courting Sarah Geronimo: “That time, grabe talaga. Yun ang time na paganun [paakyat ang career] talaga si Sarah. Grabe yung pagiging strict ng Mommy niya, sobrang protected [si Sarah]. Okay naman kami ng family ni Sarah. Di lang perfect timing.”


Kapansin-pansin na unti-unting nagiging visible sa ilang Kapamilya shows si Mark Bautista.

Miyembro ng grupong The Champions ng ASAP si Mark bago siya lumipat sa Kapuso network. Sinundan ni Christian Bautista, miyembero din ng Champions, si Mark sa paglipat sa GMA.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Mark kung ang page-guest niya muli sa ilang Kapamilya shows ay senyales na balik-Kapamilya na siya.

Panalangin ni Mark, “Hopefully. Alam niyo naman, ang wish ko ay talagang makabalik dito, magtrabaho at makasama ang mga dati kong kasama at kaibigan.

“Sana hopefully, hopefully.”

REUNION WITH KAPAMILYA FAMILY. Ibinahagi ni Mark ang experience niya sa pag-guest sa ASAP nung nakaraang Linggo, September 27, kung kailan nag-perform siya muli kasama ng mga dating ka-miyembro ng grupong Champions.

Kuwento niya, “Siyempre, masaya naman lagi 'pag binabalikan mo yung dati mong tahanan.

“Ang sarap ng feeling na nabigyan ako ng chance ng ASAP na makapag-perform uli dito.

“Kahit ako, excited ako actually nung pumunta ako dito.

“Late pa ako kasi. Galing akong Palawan, concert ni Sarah [Geronimo].

“Late na ako [sa] rehearsals. Sabi ko nga, 'Ano ba 'yan, first time kong bumalik dito. late pa ako!'

“Pero nakapag-rehearse naman ako. Excited, halu-halo na.

“Nag-perform uli ako with the Champions after a very long time. Nung nag-rehearse kami, nostalgia. Sana makag-perform ako uli with Sarah.”

Ayon kay Mark, hindi plinano ang pag-guest niya muli sa ilang Kapamilya shows.

GMA CONTRACT EXPIRED. Ipinaliwanag sa amin ng singer na matagal na palang expired ang kontrata niya sa GMA, kaya malaya na siya muling makapag-guest sa ibang network.

Patuloy pa niya, “Lahat ng nakakasalubong ko na kakilala, nagwu-'Wooh!'

“Ako rin, di ko alam kung paano mag-react.

“Siguro nag-umpisa ako mag-guest dito with Tito Boy [Abunda], then nag-Showtime ako. Yun ang second na labas ko. Third itong ASAP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung network contract ko with GMA is tapos na.

“Timing lang talaga ang lahat. Di ko naman ito parang plinano na, 'Oy, kailangan kong mag-guest sa ASAP, ha?'

“Nagkataon lang na ang lahat nagkatugma. Hayun, nandito na ako.”

ZERO LOVELIFE. Nang kumustahin namin ang lovelife ni Mark, inamin niya na hinihintay na lang niya ang tamang tao para sa kanya dahil gusto na niyang bumuo ng sariling pamilya.

Ani Mark, “Right now, I’m single.

“She’s [his last girlfriend] a beauty queen [Miss World Philippines 2011 Gwendoline Ruais]. Matagal na yun, two-three years ago.

“For a year lang yun. I don’t know, siguro naghahanap lang ako. I get to the point na kailangan ko nang mag-settle down.

“Kailangan ko nang magkapamilya at this point in time, na lahat ng kasabayan ko engaged na o kasal na.

“Darating naman ang time na yun.

“Ngayon ang daming priorities muna. Tingnan ko muna kung ano ang mangyayari dito. Sa ngayon wala talaga akong girlfriend.”

SARAH GERONIMO. Hindi itinago ni Mark na nanligaw siya kay Sarah Geronimo, na naging kapareha iya sa ilang pelikula ng Viva Films.

Ikinuwento ni Mark na siya na rin mismo ang huminto sa panliligaw dahil hindi lang mahigpit ang pamilya ni Sarah, paakyat na rin noon ang career ng Pop Princess.

Pag-amin ni Mark, “For a time. Nag-stop ako dun.

“That time, grabe talaga. Yun ang time na paganun [paakyat ang career] talaga si Sarah.

“Grabe yung pagiging strict ng Mommy niya, sobrang protected [si Sarah] .

“Okay naman kami ng family ni Sarah. Di lang perfect timing.

“Naniniwala ako dun, itong time na ito perfect to Sarah to have a boyfriend.

“Parang nag-loosen up na rin sila. Nasa stage na puwede na.

“I think she’s happy. Ang ganda niya—payat, inspired.

“Yun ang maganda dito pag may special someone ka. Sobrang inspired ka, yun din ang hinahanap ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STAGE PLAY. Abala si Mark sa pag-promote ng rerun ng Bituing Walang Ningning.

Isa rin siya sa nagbigay ng karangalan sa bansa dahil na-penetrate niya ang international theater scene dahil sa kanyang partisipasyon sa play na Here Lies Love.

Ginanap ito sa London, at ginampanan ni Mark ang role ng dating Presidente Ferdinand Marcos.

“Mayroon akong play sa Resorts Manila, ang Bituing Walang Ningning, rerun namin. Mag-i-start siya ng October 8, magtatapos siya ng January [2016].

“Sa London for six months yun. Six months lang yung kontrata namin.

“Hopefully, mag-rerun pero wala pang final word from the producer.

“Ang sarap, kasi di ko plinano, dumating na lang. Lahat ng dumarating na maganda sa buhay ko, di ko pinaplano,” pagpapasalamat ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN