Robi Domingo declares all-out support for Luis Manzano: ??Si Kuya Luis talagang totoong tao.??

Robi Domingo to support good friend and mentor Luis Manzano, should the latter venture into politics next year: "I will support Kuya Luis no matter what. Hindi po ako magpapabayad. Kasi naniniwala po ako sa kanya. Naniniwala po ako sa kakayahan niya."


After turning 26 recently, may mga nagbibiro kay Robi Domingo na nasa right age na siya para mag-asawa.

May balak na ba siyang mag-propose sa girlfriend niyang si Gretchen Ho?

“No plans pa po talaga,” natawang pahayag niya sa PEP.ph [Philippine Entertainment Portal].

At what age niya nakikita ang sariling may asawa na?

“Mga thirty plus pa po. Siguro 31 o 32.

“Sa ngayon, ni hindi po namin napag-uusapan ni Gretchen ang tungkol diyan. Feeling namin, masyado pa po kaming bata to get married.

“What we talk about right now ay tungkol sa career plans ng isa’t isa. Si Gretchen, marami rin siyang projects na gagawin, especially ngayong last quarter.

“Part na rin siya ng TV Patrol, tapos sa ANC [ABS-CBN News Channel]. She does segments and features about sports,” lahad ni Robi.

NEW REALITY SHOW. Si Robi ay napapanood sa ASAP at PBB 737 Update.

At magkakaroon siya ng bagong show soon kaya siya excited.

“Ano po siya, isang reality show again. Pero hindi pa siya puwedeng sabihin sa ngayon,” saad ni Robi.

Maghu-host din ba siya for the said new show, gaya ng ginagawa niya sa katatapos na The Voice Kids at sa ongoing na PBB 737 Update?

Sagot ni Robi, “Ah, parang hindi lang host. Paano ko ba idi-describe?

“Uhm, ibang concept na show po siya kasi, e. Basta abangan n’yo na lang po dahil sobrang ganda talaga ng konsepto.

“Tapos, may mga makakasama po ako na talagang close na close sa akin. Pero hindi ko pa rin po puwedeng i-reveal, e.

“May babae. May mga lalake rin po. Hanggang do’n lang po ang puwede ko munang masabi.”

PLANS OF PURSUING ACTING? Hindi na ba interesado si Robi na muling sumabak sa acting o maging isa sa cast members ng teleserye?

“Welcome naman po sa akin ‘yon, e. Ang problema lang po ay yung roles na ibibigay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At the same time, yung parang commitment ko po sa sarili ko na hindi po ako pupunta sa acting hangga’t hindi ako nananalo ng solo award sa hosting.

“Kapag nanalo na, baka puwede na akong mag-venture do’n. At least masasabi ko sa sarili ko na may napatunayan na rin ako bilang host,” paglinaw ni Robi.

CONTINUING FRIENDSHIP WITH LUIS. Idol ni Robi si Luis Manzano bilang host.

At malaking bagay daw kay Robi na makatrabaho si Luis bilang co-host sa The Voice Kids dahil may mga bago siyang natututunan.

Balitang may posibilidad na tumakbo si Luis bilang mayor ng Lipa City sa Batangas.

Kung matuloy ito, mau-obliga si Luis na mag-leave bilang host ng ABS-CBN shows.

Nabanggit ni Luis sa interview na if ever iiwan niya ang trabaho bilang host sa Kapamilya Network para sa politika, wala siyang ibang nakikitang puwedeng pumalit sa kanya kundi si Robi.

“Totoo po ba yun? Wow!” natutuwang reaksyon ni Robi nang malaman niya ang sinabi ni Luis.

Bukod sa husay nito sa hosting, bilib na bilib raw si Luis sa sipag at dedikasyon ni Robi sa trabaho.

“Alam n’yo si Kuya Luis, hindi ko lang siya nakikita as a premier host. As my kuya in the industry, ang dami po niyang itinuturo sa akin.

“Mga good things. And bad things!” tawang biro ni Robi.

“Pero at the end of the day, si Kuya Luis talagang totoong tao,” pagmamalaki pa ng nakababatang host.

Nando'n pa rin daw ang magandang samahan at closeness nila Luis at Robi kahit tapos na ang The Voice Kids.

Saad ni Robi, “Araw-araw pa rin po kasi kaming nagkikita halos, e. Tapos, magkasama pa rin kami sa ASAP.

“And with Kuya Luis kasi, siya yung taong kapag tahimik lahat, siya yung magbabasag ng katahimikan.”

ALL-OUT SUPPORT FOR LUIS. Willing daw si Robi na magbigay ng all-out support sa buong campaign ni Luis kung talagang matuloy ang pagkandidato nito bilang mayor ng Lipa City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Deklara ni Robi, “No doubt. No doubt!

“I will support Kuya Luis no matter what. Hindi po ako magpapabayad.

“Kasi naniniwala po ako sa kanya. Naniniwala po ako sa kakayahan niya.

“Maraming tao ang nagsasabi na yung mga artista raw ay not credible to run for [public] office kasi ang alam lang nila ay yung mga acting-acting. Wala raw silang pinag-aralan.

“Pero for me, ibahin natin si Kuya Luis. Kasi iba yung management skills niya, e.

“At saka iba rin yung puso niya sa tao. Ang dami ngang big stars na pagdating sa taas ng rurok ng career nila, hindi nila kinakausap yung mga taong nasa baba.

“Pero si Kuya Luis, yun ang natutunan ko sa kanya. Lahat kinakausap niya.

“At saka pagdating sa oras, kapag sinabi mong 6:00, darating ‘yan ng 5:30.”

POLITICAL PLANS. May posibilidad bang pasukin din ni Robi ang pulitika balang araw?

Paliwanag niya, “Sa ngayon po, nagtatrabaho na rin ako sa gobyerno, e. Sa National Youth Commission po ako ngayon, e.

“Number one po na advocacy ko ay sa education. Iyon po ang top priority ko talaga and also health.

“Nag-iikot ako sa iba’t ibang part ng bansa, giving talks. At yung education na isinusulong ko, not only for the youth kundi para rin sa teachers mismo.

“Kasi yung ibang mga teachers natin, medyo hindi sila masyadong equipped to teach people.

“So siyempre, kung may mga taong hindi equipped na magturo, damay-damay pati mga estudyante.”

Ibig bang sabihin na Robi na hangad niyang pasukin ang pulitika kung may pagkakataon?

“Ah, depende pa rin po iyon, e. Mga tito ko po sa Pasig, mga politician din, mga Eusebio po kasi, e.

“Minsan nahihikayat din po akong tumakbo. Pero for now, ang sinasabi ko sa kanila, 'Kunin ko muna po yung award ko bilang solo host,'” at tumawa ulit si Robi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN