Yaya Dub and Lola Nidora invited as guest speakers at Catholic Social Media Summit

Yaya Dub and Lola Nidora have been invited as guest speakers at the Catholic Social Media Summit to be held on October 10 and 11 in Sta. Rosa, Laguna. The two well-loved characters headline the popular Eat Bulaga kalyeserye that has been commended by church groups for its promotion of traditional Filipino values on love and marriage.


Narating na ng kalyeserye ng Eat Bulaga ang bagong level dahil naimbitahan ang mag-lola na sina Lola Nidora (Wally Bayola) at Yaya Dub (Maine Mendoza) na maging guest speakers sa Catholic Social Media Summit na magaganap sa Sta. Rosa, Laguna on October 10 and 11.

Ayon sa article na ipinost ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa kanilang website, ang Catholic Social Media Summit ay gathering ng social media communicators, bloggers, photographers, and writers.

Naging social media darlings sina Lola Nidora at Yaya Dub dahil sa phenomenal rise ng Kalyeserye na nag-set ng kakaibang record sa Twitter with 25.6 million tweets sa kanilang episode na may hashtag na #AlDubEBforLOVE.

Ito ang magiging first public appearance ni Yaya Dub pagkatapos niyang maging instant celebrity gawa ng social media at ng Kalyeserye.

Isa si Yaya Dub sa most-followed celebrities on social media, at isa na rin siyang effective product endorser.

Hinangaan naman ang words of wisdom ni Lola Nidora tungkol sa pag-ibig "sa tamang panahon."

Pati na ang tradisyon ng panliligaw, panunuyo, pagmano, at pagsasabi ng “po” at “opo” ay muling binuhay sa Kalyeserye.

Ang pinakatema ng Catholic Social Media Summit ay ang kung paano mag-spread ng Gospel gamit ang power ng social media.

COMMENDATIONS. Kabilang ang CBCP sa pumupuri sa bKalyeserye dahil sa “real” portrayal ng characters nito, kasama na sina Alden Richards, Tidora (Paolo Ballesteros), at Tinidora (Jose Manalo), kahit na idinadaan pa nila ito sa pagpapatawa.

Ayon pa kay Msgr. Pedro Quitorio, CBCP Media Office director, ang tambalang AlDub ay hinahangaan nila “for being unique as it promotes good values.

“I like the whole production itself because it teaches us the right marriage values…very Christian values. And we are hoping that this will not change.”

Nasa ika-apat na taon na ang naturang summit at patuloy nitong ini-explore ang lahat ng posibilidad, kasama na ang social media, sa pagkalat ng mga salita ng Diyos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Organized ng YouthPinoy, isang group of “online missionaries,” nagsimula ito noong 2012 with Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle bilang keynote speaker.

This year, the summit will be held in partnership with the Diocese of San Pablo.

Isa pa sa highlights ng event ay ang launching ng Catholic Social Media Awards na binuo ng CBCP Media Office at ng Areopagus Communications Inc. para sa paglawak ng responsible online communicators.

“This would give us an opportunity to let others know how vibrant our local church is as well as be able to showcase what our diocese can offer,” ayon pa sa CBCP.

Kasama rin sa speakers ng event ay si Sean Patrick Lovett, na namumuno sa Vatican Radio English Section at professor of Communications sa Jesuit-run Pontifical Gregorian University sa Rome.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN