Felix Manalo premiere screening breaks two Guinness world records

Tinanggap nina Dennis Trillo, Bella Padilla, Viva Films producers na sina Vic at Vincent del Rosario, at ilang pinuno ng Iglesia Ni Cristo ang dalawang certificates mula sa Guinness World Records dahil sa nakuhang records ng premiere screening ng pelikulang Felix Manalo kagabi, October 4.


Ipinagkaloob nina Guinness World Records UK adjudicators Marco Frigatti at Victoria Tweedey sa Viva Films at sa Iglesia Ni Cristo (INC) ang Guinness World Record for Largest Attendance For A Film Screening at ang Guinness World Record for Largest Attendance For A Film Premiere.

Kinumpirma ng Guinness Records representatives na nagtagumpay ang Viva Films sa attempt nitong masungkit ang mga nabanggit na record dahil sa 43,624 attendees sa world premiere ng Felix Manalo na ginanap kagabi, October 4, sa 55,000-seater na Philippine Arena, ang recipient noong July 2014 ng Guinness World Record for the largest mixed-use indoor theater.

Ang dating may hawak ng Guinness World Record for Largest Attendance For A Film Screening ay ang documentary film na Honor Flight, na may 28,442 attendees noong August 2012.

Ang Guinness World Record for Largest Attendance For A Film Premiere naman ay dating hawak ng The Chronicles of Narnia: Prince Caspian dahil 10,000 ang dumalo sa premiere nito na ginanap sa 02 Arena, London, noong June 2008.

Napaluha ang mga miyembro at opisyal ng Iglesia Ni Cristo nang ideklara ng Guinness Records representatives ang mga natatanging parangal sa premiere ng Felix Manalo, ang isinapelikulang life story ng first executive minister ng INC.

Pinagbibidahan ito ng Kapuso actor na si Dennis Trillo, na umaming nanginig ang mga kalamnan dahil sa libu-libong bilang ng tao na bumulaga sa kanya nang maglakad siya sa red carpet.

Ang mga pinuno ng Iglesia Ni Cristo, ang Viva Films producer na si Vic del Rosario at ang anak nitong si Vincent, kasama sina Dennis at Bela Padilla, ang tumanggap ng Guinness World Records Plaque of Certification mula kina Friggati at Tweedey.

Magbubukas sa mahigit sa 300 theaters nationwide sa October 7 ang Felix Manalo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN