Leni Robredo is Mar Roxas's running mate in 2016 elections

Camsur Third District Representative Leni Robredo: "Buong puso, buong pananampalataya, at buong tapat ko pong tinatanggap ang hamon na tumakbo bilang pangalawang pangulo ni Secretary Mar Roxas."


Pormal nang inanunsiyo ni Camarines Sur Third District Representative Leni Robredo ang kanyang pagkandidato bilang bise presidente para sa 2016 elections.

Pahayag ni Rep. Robredo, “Buong puso, buong pananampalataya, at buong tapat ko pong tinatanggap ang hamon na tumakbo bilang pangalawang pangulo ni Secretary Mar Roxas."

Idinaos ang isang pagtitipon ng mga miyembro ng Liberal Party sa Club Filipino, San Juan City, ngayong Lunes, October 5.

Dito ay natuldukan ang ilang buwang paghahanap ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas ng running mate para sa 2016 elections.

Matatandaang July 31 nang pormal na ideklara ni Secretary Mar ang kanyang kandidatura bilang presidente sa 2016 elections.

Read: PNOy annoints Mar Roxas as successor for 2016 elections; Mar accepts the challenge to continue Daang Matuwid

Sa hiwalay na speech ni Secretary Mar, inihayag niyang buo ang kanyang suporta at pati na rin ni Presidente Benigno “Noynoy” Aquino III kay Leni.

“Ngayon saksi tayo sa isa pang sakripisyo.

“Isang ordinaryong tao, isang single mother na tinatawag at pinipiling tumayo sa Daang Matuwid.

“Sakripisyo ng tatlong dalaga na nawalan ng ama sa ngalan ng serbisyo publiko," saad ni Secretary Roxas.

Hindi lingid sa publiko ang pag-aalinlangan noon ni Robredo na kumandidato bilang bise presidente, dahil na rin sa pag-aalala niya sa maaaring maging epekto nito sa kanyang tatlong anak na babae.

Ngunit base sa Facebook post ni Robredo ngayong araw, malinaw na kumbinsido na siyang tanggapin ang hamon na maging running mate ni Secretary Mar.

Sabi niya, “To give and not to count the cost, to fight and not to heed the wounds.”

Naniniwala rin umano si Robredo sa kakayahan ni Secretary Mar na ipagpatuloy ang pangako ni PNoy na "Daang Matuwid."

Nagsilbing abugado si Robredo ng non-government organization na Sentro ng Alternatibong Lingap Pang Legal (Saligan) bago siya nanalo bilang CamSur third district representative noong 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siya ang maybahay ng yumaong DILG Secretary at dating Naga City Mayor na si Jesse Robredo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN