Sharon Cuneta reflects on her previous rants against Piolo Pascual

Sharon Cuneta on her previous rants against Piolo Pascual, KC Concepcion's ex-boyfriend: "Alam mo, kapag ina ang isang tao, siyempre parang mas gugustuhin mo ikaw ang masaktan kesa sa anak mo. Hindi sa ano… I mean, you know, she had naman… hindi lang naman yun ang relationship niya. May iba naman. Never akong nangialam, di ba? Siguro that time lang, hindi ka masasaktan kung hindi mo mahal yung tao, e."


Masaya raw ang Megastar na si Sharon Cuneta sa pagkakayos ng anak niyang si KC Concepcion at ex-boyfriend nitong si Piolo Pascual.

Matatandaang hindi naging maganda ang pagwawakas ng relasyon nina KC at Piolo noong 2011, at lumipas ang panahong hindi sila nag-uusap.

Read: KC Concepcion finally admits breakup with Piolo Pascual; refuses to say why

Sabi ni Sharon tungkol sa pagbabati nina KC at Piolo, “Ay, I’m very happy. I’m very happy!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sharon pagkatapos ng live interview niya sa Tonight With Boy Abunda sa ABS-CBN studio noong Huwebes, October 1.

Inamin ng Megastar na pinagsisihan niya ang kanyang mga nasabi noon kay Piolo sa social media pagkatapos ng breakup nito kay KC.

Saad niya, “Actually, talaga namang dala lang ng…

“Alam mo, kapag ina ang isang tao, siyempre parang mas gugustuhin mo ikaw ang masaktan kesa sa anak mo.

“Hindi sa ano… I mean, you know, she had naman… hindi lang naman yun ang relationship niya. May iba naman.

“Never akong nangialam, di ba?

“Siguro that time lang, hindi ka masasaktan kung hindi mo mahal yung tao, e.

“So, I really treat him [Piolo] as part of the family.

“Pero tapos na yun, I’m very happy na okey na sila.

“And alam mo, sana rin hindi ako… hindi ako naging masyadong public sa feelings ko noon kahit na masakit.

“Kasi, parang afterwards, noong tapos na lahat, in retrospect, kahit kanino mo gawin, kahit sa sarili mo mangyari, hindi maganda.

“So, ayaw na ayaw ko na naka… siyempre I’m sure nakasakit ako.

“Ayoko nun… Kasi kung may nakasakit, huwag mo nang dagdagan.”

Nagkita na ba sila ulit ni Piolo?

“Hindi pa,” sagot ni Sharon.



SOCIAL MEDIA. Tinigilan na ba niya ang pagpu-post ng kanyang emosyon sa social media?

“Sa FB [Facebook], nag-e-FB. Tapos nakakonek naman siya sa Twitter ko, ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero wala na. I don’t… di ba? Hindi na ako nagbabasa [ng comments].

“Babasahin muna ng kunyari my assistant or kahit ako minsan.

“Konting negatibo, nilalampasan ko. Hindi ko binubuo.

“I concentrate on... kung may isa kasi... May tatlong daan, apat na daan na puro… you know, parang hindi mo na mapapansin kasi parang nakakatuwa na ang positive, e, sa dami, natatabunan.

“Hindi mo na rin… that’s why I like Facebook, you just delete.”



SHARON-GABBY MOVIE. Ano naman ang masasabi ni Sharon sa pahayag ng ama ni KC na si Gabby Concepcion na gustung-gusto na nitong gawin ang inaabangang balik-tambalan nila sa pelikula?

“Ako rin! Nagpapayapat naman muna.

“Huwag naman yung mukha kaming mag-tiya, oo. Dahil hindi siya nagbago.

“Pagpayat ko, humanda siya. Baka ma-develop siya ulit sa akin!” biro ng Megastar.

Sabi pa ni Gabby, kung puwede ay isang love story ang tema ng pelikulang gagawin nila sa big screen.

Reaksiyon dito ni Sharon, “I looove.... I would love a love story or a family drama, di ba?

“Dapat talaga, di ba?”

Kung family drama, isasama na ba nila si KC sa movie ni Gabby?

“Huwag muna, parang masyadong... baka atakihin na ang fans namin!

“Kami rin ni KC sana magkaroon.

“Meron na sila, e. Kasi meron na silang dalawa, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN