Kris Aquino admits watching AlDub, but still loves Vice Ganda

Apat na beses na raw nakapanood si Kris Aquino ng "Kalyeserye" ng Eat Bulaga. Nakilala na raw niyang nang personal ang mga bida ritong sina Alden Richards at Maine Mendoza o Yaya Dub. Ganunpaman, super love pa rin daw niya si Vice Ganda ng It's Showtime.


Dahil sa tagumpay na inani ng pelikulang Etiquette For Mistresses, kung saan isa siya sa mga bida, nagbigay si Kris Aquino ng pambihirang pagkakataon sa kanyang mga tagahanga para sa tinawag niyang "Instagram party."

Kagabi, October 4, sinabi ni Kris sa kanyang Instagram post na sasagot siya sa katanungan ng mga tagahanga at followers niya hanggang sa kanyang makakaya.

May bantay na si Kuya & Bimb, so while sipping my chamomile tea, let's chat? #BondingWithKris.

A photo posted by Kris Aquino (@withlovekrisaquino) onOct 4, 2015 at 6:47am PDT

No-holds-barred interview ang dating ng pakikipag-chat ng Queen of All Media sa kanyang followers dahil anything under the sun ang mga tanong dito—mula sa kanyang personal na buhay, pagiging isang ina, lovelife, paboritong singer at loveteams, usapin sa pulitika, sa kanyang ex-husband na si James Yap, at maging ang AlDub phenomenon.



ALDUB PHENOMENON. Isa sa pinakamainit na usapin ngayon ay ang AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza o Yaya Dub, na napapanood sa "Kalyeserye" ng Eat Bulaga! sa GMA Network.

Kaya naman hindi maiwasang tanungin si Kris, na napapanood sa ABS-CBN, tungkol sa AlDub phenomenon.

Ayon kay Kris, apat na beses na niyang napapanood ang AlDub.

Nakilala na rin daw niya pareho sina Alden at Maine sa magkaibang okasyon.

Kuwento pa ni Kris, nagulat nga raw si Alden na kilala niya ito.

Noon pa man din daw ay crush na ng mga kasambahay niya ang Kapuso actor-TV host.

Dagdag ni Kris tungkol kay Alden, "MABAIT sya so deserving of his success."

Ngunit pahabol ng Queen of All Media, "super love" pa rin niya ang matalik na kaibigang si Vice Ganda, na napapanood sa katapat na programa ng Eat Bulaga, ang It's Showtime.


LOVE TEAMS. Kasunod na tanong kay Kris ay kung sino ang pinakapaborito niyang loveteams ngayon.

Sagot ni Kris: ang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at ang JaDine nina James Reid at Nadine Lustre; at maging sina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion ng Pangako Sa 'Yo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isang post ni Kris sa kanyang Instagram noong nakaraang linggo, sinabi niyang naging tagahanga na talaga siya ng On The Wings Of Love nina James at Nadine.

ON GRACE POE. Nabaling naman ang usapan sa pulitika. Susuportahan ba niya ang kandidatura ni Senator Grace Poe.

Tugon ni Kris, gusto raw niya ang senadora ngunit kailangan daw niyang suportahan ang kanyang kapatid na si President Noynoy Aquino.

Ang tinutukoy rito ni Kris ay ang presidential bid ni Mar Roxas na siyang pambato ng Liberal Party sa 2016 elections.

Read: Kris Aquino transfers voter's registration to Quezon City; says PNoy will not impose who she will vote for in 2016 presidential elections


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN