Paolo Contis on LJ Reyes: "She makes me very happy."

Paolo Contis on real score with LJ Reyes: “Okay naman. We’re happy. I don’t wanna talk about anything kasi maraming mga ano pa ‘yan. Ayoko namang ma-preempt o ano man ang mga bagay-bagay.”


Ayaw pang aminin nang diretsahan ni Paolo Contis kung ano talaga ang namamagitan sa kanila ng kapwa Kapuso na si LJ Reyes.

Napag-uusapan ito dahil madalas silang makitang magkasama sa mga lakad, at naipu-post din nila ang mga ito sa kani-kanilang Instagram account.

Kagaya na lamang nang mag-post si LJ sa Instagram ng picture nila ni Paolo, kasama ang iba pa, habang nanonood sa isang restaurant ng laban ng Gilas at China sa FIBA Asia Championship, noong Sabado ng gabi, October 3.

Ang caption ni LJ sa naturang post: “Dinner+Gilas game with fam bam!!!”

Dinner + Gilas game with fam bam!!!😁

A photo posted by LJ Reyes (@lj_reyes) onOct 3, 2015 at 6:27am PDT

May isang follower namang nagkomento na hindi pinalagpas na sagutin ni LJ.

Sabi ng follower niyang si @barbie_jane 21: “Sana naman pagsabihan mo si Paolo makipagkita sa 2 anak niya…curious lang me…panay ka post mga biblical verse,,,pero hindi ka concern sa 2 anak ni Paolo..eh nanay ka rin di ba?

“I had been following @liankatrina account I had never seen Paolo Contis visiting or making an effort to act as a father to his 2 beautiful kids…pero ang makipagdate sa ‘yo LJ talagang may oras siya! Baka mamaya buntisin ka lang uli at iiwanan gaya nang ginawa niya kay Miss Lian!”

Si Lian ang dating asawa ni Paolo kung saan mayroon siyang dalawang anak na babae.

Sagot ng Kapuso actress dito: “There are always two sides on a story. I don’t usually reply to people who only see the surface, but I think people should also know that they have little knowledge of the things they see on TV or the internet or the news. Let us not jump into conclusions and let us not judge people. God bless you! May He bless you with and open heart and an open mind.”

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunan ng pahayag si Paolo tungkol dito, pero ayaw na raw niya itong patulan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP ang Kapuso actor sa grand opening ng Rejuvhair Herbal Solutions sa Greenhills noong Linggo, October 4.



“SHE MAKES ME VERY HAPPY.” Tumanggi ring magbigay ng eksaktong sagot ang aktor nang tanungin ng PEP kung sila na ba ni LJ.

“Okay naman kami. No comment muna,” iwas ni Paolo.

Kapansin-pansin na madalas silang nakikitang magkasama, kaya mukhang mayroon talagang namamagitan sa kanilang dalawa.

Sabi ni Paolo tungkol dito, “Okay naman. We’re happy.

“I don’t wanna talk about anything kasi maraming mga ano pa ‘yan.

“Ayoko namang ma-preempt o ano man ang mga bagay-bagay.”

Dagdag niya, “We’re happy being private.

“Kasi mahirap, when we talk about everything na, kung meron mang kailangang ikuwento, wala, nalalagyan lang ng ibang kulay.

“Okay naman kami in terms of ano… she makes me very happy.

“I hope I do the same to her.”

Hindi naman itinatanggi ni Paolo na si LJ ang babaeng nagpapasaya sa kanya ngayon.

Sabi niya, “Mabait siya.

“She’s a very positive person, very nice, very humble.

“Yung kabuuan sobrang bait.”

Binanggit din ng aktor na si LJ ang nag-impluwensiya sa kanya na lalong mapalapit sa Diyos.

“Sobrang happy ako na marami siyang nai-inspire na mga tao,” sambit ni Paolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN