Alex Medina says there's a possibility that he will fall in love with a gay man

Alex Medina on having a one-night stand with a gay man: "Parang hindi ko yata kakayanin. Mag-dinner na lang kami siguro. Mas importante kasi yung pagkakaibigan, kaysa sa sex lang, e."


Nilinaw ni Alex Medina ang naging pahayag niya sa isang interview kung saan sinabi niyang posible siyang ma-in love sa isang gay o bakla.

Pahayag ng aktor, “May mga nag-a-attempt.

"Pero ang sinabi ko lang doon sa isang TV interview, kung posible ba akong ma in-love sa isang gay, sabi ko ay may posibilidad naman iyon.

“Kasi, sexuality is fluid kumbaga.

"Hindi mo matutuldukan hangga’t na-try mo na, e."

So, talagang may posibilidad na ma-in love si Alex sa isang gay?

Tugon niya, “Oo naman, siyempre.

"Kasi, hindi ba, ang daming istoryang ganyan, tulad ng Brokeback Mountain.

"Na barako sila, tapos mamaya-maya, kung ano na ang ginagawa nila sa bundok...

"So, hindi mo masabi, e."

GAY MOVIE. Kung may offer na movie na parang Brokeback Mountain, papayag ba si Alex na gawin ito?

“Depende, kasi alam ko ginawa na nina Joem [Bascon] at ni Jake Cuenca, e.

"Sa Lihis [2013], medyo ganoon yung materyales.

“Depende sa script, sa director na alam mong mapagkakatiwalaan mo.

"Di lang basta director, kundi yung alam mong, ‘Eto gagawin natin, ha, eto ang pelikula, ganito gagawin mo, ganito gagawin ko, eto ang labas.'

"Yung ganun, yung malinaw.”

Sinong aktor ang gustong makapareha ni Alex kung sakali?

“Si John Lloyd [Cruz] sana, e, kaya lang nagkaroon na sila ng movie ni Luis Manzano noon, e."

Ang tinutukoy ni Alex ay ang 2009 movie na In My Life, kung saang gumanap na gay lovers sina John Lloyd at Luis.

Patuloy niya, “Gusto ko yung tropa ko, e. Pero huwag yung masyadong tropa.

“Siguro puwede si Kean Cipriano. Kasi kaibigan ko yun, e.

"Actually, may ginagawa kaming movie ngayon.”

Gusto ba ni Alex na makapareha ang katropa niya dahil hindi na siya mahihiya rito?

Sagot ng aktor, “Oo, para hindi ako mahiya.”

Pero hindi ba siya maiilang o magpipigil kapag kaibigan niya ang kapareha?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi, kumbaga iyon yun, e. Iyon yung nakalagay sa script.

"So, kung kailangang mag-kiss, kung kailangan dikitan ang katawan mong nakahubad, bakit hindi?" natatawang sabi ng anak ng batikang aktor na si Pen Medina.

Pero bakit una niyang binanggit ang pangalan ni John Lloyd?

Paliwanag ni Alex, “Kung gagawa kasi ako ng parang Brokeback Mountain movie, siyempre I would want someone na… isang actor na siguro.

"Siyempre idol ko si John Lloyd. In the first place, siya talaga ang peg ko.

“I mean, pagpasok ko pa lang sa showbiz noon or pag-start ko sa TV, or actually unang pag-sign ko pa lang ng contract, sinabi ko na si John Lloyd ang peg ko.”

Dagdag niya, “Sakaling may ganoong project, siyempre you would want an actor you can trust, na you would be comfortable with, I mean, plus the material.

“Although hindi kami friends ni John Lloyd, pero it would be an honor siyempre na makatrabaho ko siya for such a movie or kahit anong movie for that matter, actually.

“Hindi naman necessarily na kailangang maging Brokeback-type ng movie.”



NO THANKS. Inamin din ni Alex na nakatanggap na siya ng indecent proposal mula sa isang bading.

“Oo naman, one time lang. Sa Facebook lang.

"Sabi niya, ‘Uy, how much is your rate?’

"Sabi ko, ‘A, depende po sir’ ganyan-ganyan.

“Tapos tinanong ko kung para saan ba iyon.

"Sabi niya, ‘A, basta, magkano ba rate mo?’

"Biglang sabi niya, ‘Overnight rate sana.’

“Sabi ko, ‘Ay, sorry, hindi po ako...'

“Sabi ko na lang, ‘Sorry po, 'Sir, sorry, akala ako ay business po tayo, e.’

"So, okay lang yun, pinalusot ko na lang."

Paano kung may executive ng TV network na manligaw sa kanya at mangakong bibigyan siya ng maraming projects?

Saad ni Alex, “Ay, hindi, hindi na.

"Idadaan ko na lang sa… kumbaga, kung magaling ka naman, kung sineseryoso mo naman yung trabaho mo, hindi mo na kailangang pumatol sa, kumbaga… mga monkey business.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, trabaho na lang, trabaho lang talaga."

THE CASTING COUCH. Ano ang masasabi niya sa mga aktor na nagbibida sa pelikula o teleserye dahil hawak sila ng influential gay?

“Ha?! Mayroon bang ganoon?!” pa-overacting na reaction ni Alex, sabay banat ng tawa.

Pero seryoso niyang pagpapatuloy, “Hindi, ako, sa akin lang, kung may ganoon man, kung totoo man yun, parang hindi ka na masu-surprise.

“Kasi sa mundong ito, parang kailangan mong gawin lahat, e.

"Kung ganoon mo kagusto yung isang bagay, gagawin mo lahat, di ba?

“So, di ko sila masisisi kung gusto nilang makaangat agad.

"Okay lang, respeto naman, e. Kumbaga, trinabaho nila iyan, e.

"Kumbaga, yun na nga lang, depende yun sa pagpapalaki sa iyo.

“Kanya-kanyang paniniwala at prinsipyo, e.

"Pero ako, personally, hindi ko siyempre gagawin yung ganoon.

"Pero kumbaga, sa kanila, wala naman akong ano doon.

"Kung kaibigan ko sila, okay, walang problema."

Paano kung may mag-offer sa kanya ng one-night stand?

Sabi ni Alex, “Ako? Parang hindi ko yata kakayanin.

“Mag-dinner na lang kami siguro.

"Mas importante kasi yung pagkakaibigan, kaysa sa sex lang, e!” tawa ni Alex.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN