Mr. Pastillas aspirant to bashers of Miss Pastillas and It’s Showtime: “Ikaw ba, perpekto ka ba?”

May mensahe ang Mr. Pastillas aspirant na si Bryan del Rosario sa bashers ni Pastillas Girl: “Porke’t si Angel, nandon sa TV, nakikita ng tao sa public, binubuksan ang sarili sa publiko, siya lang may mali? Ikaw wala?”


Ipinagtanggol ng Mr. Pastillas aspirant na si Bryan del Rosario si Pastillas Girl, a.k.a. Angelica Jane Yap, mula sa bashers.

Ang pambabatikos ng maraming manonood ay bunsod ng pagsasapubliko ng dalaga ng paghahanap ng potential boyfriend sa segment ng It’s Showtime na “Nasaan Ka, Mr. Pastillas?”

Sa nasabing segment ng ABS-CBN noontime show, na tila isang dating game, ipinakilala ang mga binatang gustong makilala at maging malapit sa dalaga.

Tinagurian silang Mr. Pastillas aspirants.

Ang segment na ito ang sinasabing pantapat ng It's Showtime sa record-breaking Kalyeserye ng Eat Bulaga, na tinatampukan ng phenomenal AlDub love team nina Alden Richards at Yaya Dub (a.k.a. Maine Mendoza).

Marami ang bumatikos kay Pastillas Girl at maging sa nasabing segment ng It’s Showtime.

May mga tumawag pa ritong “bugaw-serye.”

Kaugnay nito, nahaharap sa panibagong kontrobersiya ang noontime show ng ABS-CBN matapos ipatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang top executives ng It’s Showtime para sa isang meeting sa susunod na linggo.

Dahil umano ito sa “gender sensitivity concerns.”

Nagsampa kasi ng opisyal na reklamo ang women’s rights group na Gabriela, dahil sa mga reklamong natatanggap nila hinggil sa umano’y tila “pambubugaw” at exploitation kay Pastillas Girl sa nasabing segment.

Read: MTRCB summons It’s Showtime execs over feedback against "Pastillas Girl" segment

WRONG IMPRESSION. “For me nga, sa mga bashers, for them to bash Angel, parang kayo ba, wala ba kayong nagawang mali?"

Ito ang pahayag ni Bryan nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng press sa isang interview nitong Lunes ng gabi, October 5.

Sabi ng binata, mali ang impression ng mga tao kay Pastillas Girl.

“Oo, marami siyang bashers, pero pag nakilala niyo talaga siya behind the camera, sobrang nakakatawa talaga siyang babae.”

Ano naman ang masasabi ni Bryan sa pagtawag ng ilan na “bugaw-serye” ang segment na ito ng It's Showtime?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “I don’t see it as a bugaw-serye.

"Kasi sabi nga daw nila, it violates her right… yung claim ng Gabriela.

“For me naman, hindi siya bugaw-serye, kasi with her consent naman and she’s of legal age.

“Pati parents niya, alam naman. Andun nga ang parents niya every day sa set.

"So, hindi talaga. Marami lang talaga ang naiinggit.”

Read: Pastillas Girl's mother tearfully says: "Hindi ko matanggap yung sabihin nila na binubugaw ko ang anak ko."

LESSONS FROM PASTILLAS. Ano sa palagay ni Bryan ang magandang aral na maaaring matutunan ng mga manonood sa segment na ito ng It’s Showtime?

Sagot niya, “I think yung pinaka-moral lesson dito, on how you will handle the courting stage, or how you will court someone nang maayos.

“In all fairness naman with Showtime, kaming mga aspirants, sinu-showcase naman ang different personalities ng mga guys nowadays.

“And since andun naman ang parents ni Angel, so siyempre restricted pa rin.

"Pinapakita sa TV yung tamang way ng panliligaw pa rin.

"I think kasi, siyempre pabata nang pabata ngayon ang mga relationships, e."

May mensahe rin si Bryan sa mga kritiko ni Pastillas Girl.

“Just stop bashing, it’s not helping you, e.

"Ikaw ba, perpekto ka ba?

"Ikaw ba never kang nagmura, never kang nagkamali, never ka bang nagkagusto?

“All of us has a negative side on ourselves and porke’t si Angel, nandun sa TV, nakikita ng tao sa public, binubuksan ang sarili sa publiko, siya lang may mali? Ikaw wala?

“Let’s be fair. Let’s not be hypocrites.”

Dagdag pa niya, “Enjoy lang tayo. May sari-sarili naman tayong trip.

“Parang just don’t take it seriously.

"Dun sa mga namba-bash, mas okay if you see the good in something para at least mag-enjoy ka rin.”

Bago maging Mr. Pastillas aspirant, miyembro si Bryan ng three-member singing boy group na JBK.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN