Liza Soberano stands by Enrique Gil: "I know who the real Enrique is."

Liza Soberano shows appreciation for fans: “I’m very thankful that they supported us. Siyempre there’s always different sides to the stories,. Hindi pa rin sila nagpaapekto. Basta solid pa rin sila."


Hindi iniwan ng kaparehang si Liza Soberano si Enrique Gil sa gitna ng matinding kontrobersiyang kinasangkutan ng aktor sa loob ng eroplanong sinasakyan ng ASAP stars papuntang London noong September.

Read: PEP EXCLUSIVE. Enrique Gil allegedly involved in drunken incident on London flight with Jessy Mendiola and Liza Soberano

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Liza sa pictorial ng Everyday I Love You noong October 4, sa ELJ Building ng ABS-CBN, sinabi ng young actress kung bakit niya ginawa ito.

“To be honest, because I know who he is.

"I’m always with him the whole time, I’m always with him every day and I know who the real Enrique is.

“I just told him, I’ll always be here to be by his side, just to bring him up when he’s really sad.”

Labis din ang pasasalamat ni Liza sa LizQuen fans dahil hindi sila bumitaw, lalo na sa suporta ng mga ito kay Enrique.

“I’m very thankful that they supported us.

"Siyempre there’s always different sides to the stories.

"Hindi pa rin sila nagpaapekto. Basta solid pa rin sila.

"And I’m thankful that they did that for Quen.

"There were times that he needed it."

TURNING 18. Sa kabilang banda, totoo bang plano ni Liza na imbes na magdaos ng debut party sa January 4, 2016 ay pupunta sila ni Enrique at ilang miyembro ng kanilang pamilya sa Paris?

Ayon sa Kapamilya star, “Ang debut ko, wala naman akong totoong debut, pero I wanted to travel sana on my birthday.

"Gusto kong mag-Paris kahit pictorial lang.

"Sabi niya [Enrique], sasama siya, sasama daw niya buong pamilya niya.

“Sabi niya, ikinukuwento naman niya sa akin.

"Pero hindi pa ako sure kasi di ko pa naaasikaso yung mga gagawin para sa debut.

"Kasi I’m focusing on something else on my birthday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Inaayos lang namin yung details and everything.

"Kasi siyempre hindi naman puwedeng basta-basta umalis.

"If my schedule permits."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN