Kris Bernal bashed by AlDub 'fans' over Instagram photo with Alden Richards; apologizes for her “insensitive actions”

Matapos ma-bash si Kris Bernal dahil sa ipinost niyang larawan sa Instagram kasama si Alden Richards, humingi siya ng paumanhin dahil sa “insensitive actions” na hindi niya sinasadya.


Binatikos si Kris Bernal ng diumano’y ibang AlDub fans dahil hindi nila nagustuhan ang pag-post ng Kapuso actress ng larawan nila ni Alden Richards sa kanyang Instagram account nitong Martes, October 6.

Sa nasabing Instagram post ni Kris, makikitang magkasama sila ni Alden habang nakasakay sa loob ng tila isang train coach.

Caption ni Kris sa nasabing post: “Mas gwapo pala siya sa personal!!! Kalma kalma lang. Wag pahalata. Ayan na, nilabas pa yung dimples niya!”

Sunud-sunod naman ang mga nagkomento sa nasabing post ni Kris.

Inakusahan ng hindi magagandang salita si Kris, kagaya ng "nakikisakay" raw ito sa kasikatan ni Alden, "papansin," at "malandi."

May iba namang nagsabing na-disappoint sila kay Alden dahil sa nasabing photo.

Identified kasi ngayon si Alden sa ka-loveteam niyang si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub—ang AlDub.

Nitong madaling-araw ng Miyerkules, October 7, ay muling nag-post si Kris sa Instagram.

Dito ay humingi siya ng paumanhin sa mga nasaktan nang hindi sinasadya dahil sa kanyang “insensitive actions.”

Nakalagay rin sa nasabing post ni Kris na walang sinuman ang dapat husgahan o pag-usapan nang walang basehan.

Hindi man tinukoy ni Kris kung para saan ang nasabing post na ito, marami ang nag-comment na ito ang paghingi ng paumanhin ni Kris sa kanyang post kasama si Alden.

Kalakip din ng nasabing post ang larawan ni Kris na naka-peace sign.

Ipinagtanggol naman ng ibang AlDub fans ang IG post ni Kris kasama si Alden.

Sabi ng mga ito, wala silang nakikitang masama sa post ni Kris kasama ang kanilang idolong si Alden.

May mga nagsabi ring ang ibang nam-bash kay Kris ay hindi naman tunay na AlDub fans, kundi mga naninira lamang upang pabagsakin ang sikat na loveteam nina Alden ay Maine.

Sinabi rin ng iba na matagal nang magkaibigan sina Alden at Kris.

Nagkasama sina Alden at Kris sa dating musical-variety show ng GMA Network, ang Sunday All Stars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Nagkasama rin sila sa Valentine episode ng Wish Ko Lang, kung saan ginampanan ni Alden ang papel ng isa sa mga nasawing miyembro ng Special Action Force (SAF) sa Mamasapano massacre, samantalang ginampanan naman ni Kris ang papel ng asawa nito.

May AlDub fans ang dinepensahan si Kris at sinabing maging ang aktres ay self-confessed AlDub fan.

Noong nakaraang linggo, nag-post si Kris ng photo niya sa Instagram na naka-“pabebe wave” at nakalagay sa caption na: “Cos I’m a fan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN