Liza Diño ready to have own baby with Aiza Seguerra through IVF

After 10 months, the blissful marriage of Liza Diño and Aiza Seguerra remains challenged by outside forces. Liza relates, "Yung mismong kasal namin, dun namin na-realize na napakaraming tao ang negatively affected by it. May mga nagsasabing, 'Okey lang na kayo, pero nung nagpakasal kayo, that's crossing the line already.'"


Pagkalipas ng sampung buwan mula nang ikasal sila, nagpaplano na sina Liza Diño at Aiza Seguerra na magkaroon ng sarili nilang anak.

Ayon kay Liza, napag-usapan na nila ito ni Aiza, at maging sa kanyang seven-year-old daughter mula sa dating karelasyon ay unti-unti na nilang pinaiintindi ang bagay na ito.

Pahayag ng aktres, "Actually, ang plano na nga namin is yung anak naming sarili.

"Yes, it's the plan through IVF kasi gusto rin na...

"Siyempre, si Aiza who's always saying na gusto niyang magkaroon ng sarili niyang anak.”

Sa IVF o in vitro fertilization, ang sperm mula sa isang sperm donor ang ginagamit i-fertilize ang isang mature egg mula sa ovary ng babae. Ginagawa ito sa laboratoryo.

Kapag na-fertilize na ang mature egg, saka naman ito i-implant sa uterus ng babae hanggang sa maging isang sanggol na nga ito.

Ang mangyayari kung sakali, ang egg mula sa ovary ni Aiza ang ipe-fertilize at i-implant sa uterus ni Liza hanggang mabuntis ito.

Saad nga ng dating beauty queen, “Meaning it's his [Aiza] own genes, its his own egg.

"So, it's Aiza's gonna… ako yung magiging surrogate.

"So, it's a shared experience and responsibility.

"Pareho naming anak, kasi sa akin nga lumabas, ganun."

Gayunpaman ay nag-aalangan rin daw silang gawin ito sa ngayon, “Kasi it costs money.”

Sabi pa ni Liza, “Siguro isa-isa lang, pero it's part of our plan."

Kung sakaling matuloy ito, sino ang nasa isip nilang gustong maging sperm donor?

Ayon kay Liza, “It's anonymous…. in the US, marami namang banks dun.

"[Gusto namin] yung blue eyes at saka matangkad."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Liza sa press launch na QCinema International Film Festival, kung saan isa sa mga entry ang dokumentaryong Traslacion.



CHALLENGES. Samantala, muling binalikan ng better-half ni Aiza ang mga pinagdaanan nila matapos silang ikasal ng dalawang beses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Una sa Amerika at ang pangalawa nama'y dito na sa Pilpinas.

Sabi ni Liza, "After our marriage, yung mismong kasal namin, dun namin na-realize na napakaraming tao ang negatively affected by it.

“May mga nagsasabing, 'Okey lang na kayo, pero nung nagpakasal kayo, that's crossing the line already.'

"Hindi lamang ito nakaapekto sa relasyon namin, pati sa mga trabaho namin.

"Nawalan kami ng work, may mga ganung instances, and both of us...

"May mga show siyang na-cancel, ako din.

"Parang na-typecast ako, na-stereotype ako how people see us.

"Sometimes, hindi lamang... ang kumplikado kasi, hindi lamang dahil sa same-sex relationsahip.

“Kundi, it's the fact that I'm with Aiza; sometimes, people are even thinking na it's beyond us.

"Na puwedeng ginagamit ko lang si Aiza, ang dami pang ganun na puwede pa nilang isipin about us."

CONFLICTS. Dagdag pa niya, "Tao lang naman ako, nasasaktan din naman ako.

"There was a time na nagkakaroon na kami ng issues, and I even wanted to go back to the States.

"It's not easy kasi parang ngayon lang ako na-expose sa mga ganitong sitwasyon.

"Pero dun ko lalo sigurong napatunayan why I chose to marry Aiza, and be together, and have this commitment to be forever.

"Sa bawat unos o sitwasyon na pinagdaanan namin, we're together.

"At inilampas namin yun na hind kami bumibitaw sa isa't isa.

"We just believe day by day, na it's gonna solve it's own, and it's gonna work out."

Sa parteng ito ay hindi na napigilan ni Liza ang maluha.

Dito ay nilalambing siya ni Aiza, at pinapahid ang kanyang mga luha, na katabi lang niya habang nagaganap ang aming panayam.

US RESIDENCY. Wala ba silang planong manirahan sa Amerika permanently, kung saan bilang isang US citizen, ay legal ang kanilang kasal?

Ani Liza, "Yes, sa States, we are given the same rights, especially now na nationwide na ang same-sex marriage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We are recognized sa States as a married couple.

"The next step talaga is for Aiza to apply to adjust status, to apply as immigrant.

"Pero with all his work dito, at ako naman na puwede namang mag-stay dito.

"Yun ang isang bagay na hindi pa namin naasikaso.

"Kasi, once na nag-file ka nun, kailangang maging domicile [mo ang] Sates for a while.

"So, right now, for us, we're taking it a day at a time.

"Parang yung makapaghanap siya ng opportunity para makapagtrabaho dun ng mas matagal, pero di pa namin iniisip yun.

"Basta sa amin, we're building our family, lumipat na kami ng bahay, may bagong home na kami sa Quezon City.

"Yun, tina-try namin na i-nurture ang pamilya namin, kasama ang anak namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN