Kris Aquino apologizes for dropping out of MMFF movie with Mayor Herbert Bautista

Kris Aquino apologizes for backing out of the Metro Manila Film Festival entry All You Need Is Pag-ibig, which she and QC Mayor Herbert Bautista were supposed to star in.


Tila kinumpirma na ni Kris Aquino sa kanyang Instagram post ngayong araw, October 7, na hindi na siya matutuloy sa pelikulang pagsasamahan sana nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Ito ay ang All You Need Is Pag-ibig, entry sa 2015 Metro Manila Film Festival.

Nauna nang nag-post si Kris tungkol sa pagba-back out niya sa isang pelikula dahil hindi napagbigyan ang isa niyang hiling—na makatrabaho ang kanyang cinematographer, na hindi raw available dahil sa conflict sa schedule.

Gayunpaman, hindi tinukoy ni Kris kung ano ang pelikulang ito.

Pero hindi naman lingid sa publiko na ang kasunod na pelikulang gagawin niya dapat, pagkatapos ng palabas pa rin ngayong Etiquette For Mistresses, ay ang pagtatambalan nila ni Mayor Herbert.

Read: Is Kris Aquino backing out of MMFF movie with Mayor Herbert Bautista?

Sa pinakahuling post ngayong gabi ni Kris ay naglagay siya ng mensaheng ito: “I’m a jerk. I’m sorry…”

Sa caption ng nasabing post, naka-tag sina Malou N. Santos, managing director ng Star Cinema; Kriz Gazmen; creative writer ng All You Need Is Pag-ibig; at si Antoinette Jadaone, na siyang direktor dapat ng nasabing MMFF movie na gagawin ni Kris.

Sabi pa ni Kris sa caption: “I'm sorry for the stress I put you through, the many wasted hours working on the project, and all the effort you exerted... I was wrong to commit to something that in all honesty, I am emotionally, physically & mentally not ready for...”

Ginamit din ni Kris ang hashtags na #hiyanghiya at #IAmSorry sa nasabing caption.

Wala pang opisyal na pahayag ang Star Cinema kung sino ang ipapalit nila kay Kris o kung matutuloy pa ang proyekto na tatampukan din sana nina Kim Chiu at Xian Lim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN