Alden Richards gets emotional while recording "God Gave Me You"

Iba talaga ang epekto ng kantang "God Gave Me You" para kay Alden Richards dahil hindi niya mapigilang maging emosyunal kapag kinakanta niya ito nang live. Kagaya na lamang nang i-record niya ito para sa kanyang second album sa GMA Records.


Iba talaga ang epekto ng kantang "God Gave Me You" para sa Pambansang Bae na si Alden Richards.

Ang "God Gave Me You," na orihinal na kinanta ng American singer na si Bryan White, ang pinakasikat at pinaka-romantic Dubsmash song ni Alden para kay Yaya Dub a.k.a. Maine Mendoza sa kanilang Kalyeserye sa Eat Bulaga.

Unang kinanta ni Alden nang live ang version niya ng "God Gave Me You" sa September 26 episode ng Eat Bulaga, kung saan din naganap ang unang pag-akyat niya ng ligaw kay Yaya Dub.

Habang kumakanta ay naging emosyunal si Alden at hindi napigilang mapaluha.

Halos hindi na nga niya maituloy ang kanta dahil sa tindi ng emosyong nararamdaman.

Inialay rin ni Alden ang awitin sa kanyang ka-loveteam na si Maine, na hindi maipagkakailang malaking bahagi ng tagumpay ng tinatamasa niya ngayon.

Sa second album ni Alden sa GMA Records, kabilang din ang version niya ng "God Gave Me You" sa mga kantang nakapaloob dito.

Kahapon, October 7, ay inilabas ng GMA Records ang snippet ng recording ni Alden para sa "God Gave Me You."

Habang nagre-recording ay muling naging emosyunal si Alden at makailang beses nagpahid ng luha.

MEANINGFUL SONG. Very meaningful ang "God Gave Me You" para kay Alden dahil tila nilalaman ng lyrics nito ang kanyang damdamin sa mga magagandang pangyayari sa buhay niya ngayon.

Narito ang kabuuang lyrics ng "God Gave Me You":

For all the times I felt cheated, I complained
You know how I love to complain
For all the wrongs I repeated, though I was to blame
I still cursed that rain
I didn't have a prayer, didn't have a clue
Then out of the blue

God gave me you to show me what's real
There's more to life than just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why
Now I do, 'cause God gave me you

For all the times I wore my self pity like a favorite shirt
All wrapped up in that hurt
For every glass I saw, I saw half empty
Now it overflows like a river through my soul
From every doubt I had, I'm finally free
I truly believe

God gave me you to show me what's real
There's more to life than just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why
Now I do, 'cause God gave me you

In your arms I'm someone new
With ever tender kiss from you
Oh, must confess
I've been blessed

God gave me you to show me what's real
There's more to life than just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why
(Didn't know why)
Now I do, 'cause God gave me you
(I finally do, God gave me you)

God gave me you

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maliban sa pagdating ni Maine sa kanyang buhay, may mga naniniwala ring naaalala ni Alden ang kanyang yumaong ina na si Rosario Reyes Faulkerson tuwing kinakanta niya ang "God Gave Me You."

Hindi naman kaila sa marami na noong nabubuhay pa ang ina ni Alden ay ito ang pursigidong pumasok ang anak sa showbiz.

Ngunit pumanaw ang ina ni Alden noong 2008 dahil sa sakit na chronic pneumonia, kaya hindi na nito naabutan ang pagpasok ng anak sa showbiz.

At pagkatapos ng apat na taon na pagpupursigi at pagsasakripisyo ay naabot na marahil ni Alden ang peak ng kanyang career sa showbiz.

Sa isang interview ay sinabi ng 23-year-old Kapuso actor-TV host na naniniwala siyang ang kanyang yumaong ina ang guardian angel niya.

Read: Alden Richards dedicates current success to his late mom: “This is her legacy and I’m doing this for her still.”

BRYAN WHITE. Sa pamamagitan ng Twitter ay nagpaabot ng mensahe si Bryan White pagkatapos mapanood si Alden na kinakanta nang live ang "God Gave Me You."

Ire-release ang second album ni Alden sa October 17.

Nakapaloob din sa album na ito ang hit song niyang "Wish I May," na nag-top sa iTunes at madalas ding ipatugtog sa radio stations.

Ito rin ang ginamit na title at theme song sa upcoming soap nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa GMA Network.

Ang debut album naman ni Alden, na ini-release ng Universal Records noong 2013, ay kasalukuyang nasa Top 10 ng Billboard's World Album chart.

Read: Alden Richards’ debut album makes it to Billboard's World Albums chart


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN