Veteran singer-comedienne Elizabeth Ramsey dies at 83

Sumakabilang-buhay na ang mang-aawit at komedyanang si Elizabeth Ramsey ngayong araw, October 8. Wala pang opisyal na pahayag ang pamilya nito sa dahilan ng kanyang pagpanaw.


Pumanaw ngayong Huwebes ng umaga, October 8, ang beteranang singer-comedienne na si Elizabeth Ramsey.

Siya ay 83 years old.

Sa pamamagitan ng Facebook, ipinarating ng anak ni Elizabeth na si Jaya ang malungkot na balita tungkol sa pagpanaw ng ina:

"Mama Beth is now with our Lord... 83 years has been full. Love and laughter, she has given not just our family but the whole nation. Thank you for your love and prayers and I rejoice because she passes in her sleep. In peace. In God's loving arms. Bye mama, until we meet again. I love you forever. Thank you Jesus."

Noong August 6, inatake si Elizabeth ng hyperglycemia o ang pagtaas ng glucose sa dugo na naging dahilan ng pagkakaroon nito ng stroke.

Isinugod kaagad siya sa Philippine Heart Center.

Read: Veteran singer-comedienne Elizabeth Ramsey suffers stroke; daughter Jaya asks for prayers

Sumikat si Elizabeth matapos niyang manalo sa isang singing contest sa Student Canteen noong 1958.

Siya ang tinaguriang Queen of Rock 'N Roll sa bansa at nakilala sa kanyang pag-awit na may Visayan accent.

Sa December 3 sana ang kanyang ika-84 kaarawan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN