Alden Richards takes care of his own money; plans to invest in an apartment building

Alden Richards: "Iyon po ang isa ipinagpapasalamat ko po sa pamilya ko na pagdating po sa pera, never po nila ako pinapakialaman. Never po sila nag-demand, never po sila nanghingi, never po sila nag-obliga sa akin na magbigay. Kaya mas masarap po ang tumulong sa pamilya na susuportahan dahil never po sila nagbigay ng pressure sa akin."


Dahil sa sunud-sunod na trabaho ngayon ni Alden Richards, hindi niya itinatangging kumikita na siya.

May mga iniisip din daw siyang ipundar habang maganda ang kita niya.

Sabi ng 23-year-old Kapuso heartthrob, “Ako po kasi, kapag nag-isip po ako ng mga bagay, laging long-term, e.

“Ang mga kinikita ko po sa mga events, sa mga endorsements, sa mga shows ko pong ginagawa, lahat po yun dinideretso ko sa bangko.

“Kasi ang main objective ko po ngayon is makaipon, makapagpatayo po ng negosyo.

“Saka mabigyan ko po ng magandang buhay ang family ko po at mga mahal ko sa buhay.”

Ibinahagi rin ni Alden sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung anong negosyo ang gusto niyang simulan.

“Parang nagpaplano po ako magpatayo ng mga apartment po somewhere in Laguna.

“Malapit po sa industrial parts, malapit po sa mga nagtatrabaho sa mga factory, sa restaurants po,” sabi niya.

Nilinaw rin ni Alden na siya ang personal na humahawak ng pera niya at hindi raw ito pinapakialaman ng kanyang ama at pamilya.

“Iyon po ang isa ipinagpapasalamat ko po sa pamilya ko na pagdating po sa pera, never po nila ako pinapakialaman.

“Never po sila nag-demand, never po sila nanghingi, never po sila nag-obliga sa akin na magbigay.

“Kaya mas masarap po ang tumulong sa pamilya na susuportahan dahil never po sila nagbigay ng pressure sa akin.

“Kaya malaki po ang pasasalamat ko sa kanila na na-bless po ako ni Lord na bigyan ng ganung klaseng pamilya,” seryoso niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN