Bianca Gonzalez admits being worried about showbiz comeback after giving birth

Bianca Gonzalez on when will she go back to work after giving birth: “I don’t know... It’s my first time, hindi ko alam if I’m the type na gusto ko lang nasa bahay ako.”


Inamin ni Bianca Gonzalez na nangangamba siya kung may babalikan pa siyang trabaho sa showbiz pagkatapos ng kanyang panganganak.

May dalawang linggo na mula nang mag-leave si Bianca sa paghu-host ng mga programa niyang Pinoy Big Brother sa ABS-CBN at Cinema News sa Cinema One.

“To be honest, yes, but I think in everything, parang phases lang ang buhay.

“I know na ang dami ding tao na in the same phase as me.

"That’s what Tito Boy [Abunda, her manager] says to me, na parang everyone grows older, everyone progresses sa phase ng buhay nila.

"And there will always be something for you.

“Parang we’ll see na lang kung ano 'yon.

"Of course now, more than ever, I’m worried.

"Kasi ngayon, kailangan ko na talagang kumita, kasi we’re bringing up a kid.

"Ang mahal ng school, ang mahal ng lahat ng kailangan.

"But maipon din naman ako. And I trust na some sort of work will find its way."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Bianca sa launching niya bilang pinakabagong Olay Total Effects ambassador, nitong Miyerkules, October 7.

GIVING BIRTH. Sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo ay maaari nang manganak si Bianca.

Babae ang unang magiging anak nila ng basketball player na si JC Intal, at pinangalanan nila itong Lucia.

Ayon sa Kapamilya TV host, “I took a leave, more than anything, to have time for myself and time to prepare the things for the baby. Kasi malapit na nga.

“And they say, as soon you give birth, halos wala na talagang me-time.

"As much as possible, I'm doing that now."

Samantala, hindi pa masabi ni Bianca kung kailan siya babalik ng trabaho pagkapanganak.

“As for going back, no one is pressuring me to go back, na I have to be back at a certain time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang sabi ko naman, ‘I don’t know.’

"It’s my first time, hindi ko alam if I’m the type na gusto ko lang nasa bahay ako.

“But knowing me, because of the nature of my work na sometimes may taping na a few hours lang, I can actually bring her with me.

“Madami na ang nagprisinta na magyaya, tita, mag-alaga, while I’m at work.

"We’ll see. Nothing super set."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN