Bimby Aquino Yap’s Yaya Gerbel returns to work after wedding

Kris Aquino on son Bimby Yap's Yaya Gerbel: “Alam mo, sobrang touching kasi four days lang siyang nag-honeymoon tapos bumalik siya agad. Hindi raw niya matiis. In-explain niya sa asawa niya na, ‘Hindi ko kaya na baka yung alaga ko naman ang magkasakit sa lungkot.’"


Masaya si Kris Aquino na bumalik na sa kanila ang Yaya Gerbel ng anak niyang si Bimby Yap.

Ikinasal si Gerbel kay Jezreel Langha sa Tagaytay noong September 29.

Naging very emotional si Bimby sa kasal ng kanyang yaya.

Read: The first time Bimby Yap cried for a girl

Kuwento ni Kris, “Alam mo, sobrang touching, kasi four days lang siyang nag-honeymoon tapos bumalik siya agad.

“Hindi raw niya matiis.

"In-explain niya sa asawa niya na, ‘Hindi ko kaya na baka yung alaga ko naman ang magkasakit sa lungkot.’

“Yun talaga. Ikinasal siya Tuesday, Sunday nasa bahay na siya.

"Yun ang love.

"Akala niya kasi baka two weeks pa yung asawa [sa Pilipinas].

"Biglang naayos yung papeles, aalis na [for Scotland].

"Sabi ko, ‘yan ang dasal ng bata.”

Napanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Kris sa block screening ng Etiquette for Mistresses sa Cinema 3 ng Trinoma Mall, sa Quezon City, noong October 7.

LOVE TEAM ISSUE. Samantala, naging isyu ang pahayag ni Kris kamakailan na ang paborito niyang love teams ay ang KathNiel (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla), LizQuen (Liza Soberano and Enrique Gil), at JaDine (James Reid and Nadine Lustre).

Hindi raw nabanggit ni Kris ang KimXi (Kim Chiu and Xian Lim) love team gayong malapit ang actress-host kay Kim.

Pahayag ni Kris, “Alam mo, hindi ko na alam. Ayoko nang magsalita.

“Alam mo, I don’t think it should be an issue na hindi ko sila nabanggit dahil alam naman ng tao na si Kim Chiu ang paborito ko.

“More than a love team, more than an actress, I’ve been vocal na parang anak ko na siya, parang nakababatang kapatid ko na.

"Parang unfair naman yata na gawan nila ng issue."



BLOCK SCREENINGS. Nagpasalamat naman si Kris sa lahat ng mga malalapit na kaibigan niya, gaya ni Boy Abunda, na nag-sponsor ng block screenings ng Etiquette for Mistresses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Last week kung mabibilang ko, parang may ibinigay sa akin [na block screenings] all in all more than 20.

"Parang pag sinuma, total mo siya for two weeks, halos aabot ng 100 yung block screenings na ibinigay.

"Ang babait nila kasi wala akong hiningi.

"Marami akong kaibigan at marami akong napagbigyan in the past na sinabi sa akin, ‘Ano pa ba ang mareregalo namin sa iyo?’

“So sinabi ko, 'Mag-block screening na lang kayo para yung mga hindi maa-afford na makapanood, ilibre ninyo na lang sila para marami talagang makapanood ng Etiquette.'

"Kasi si Boy, sinabi niya na sagot niya ang LGBT [Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender] commmunity at ang mga Make Your Nanay Proud. Sila ang nag-benefit.

“Kasi, di ba, ang mga nanay makaka-identify din naman sa kuwentong ito, kasi marami rin sila sigurong na-meet along the way [na mistresses]?"

PIOLO PASCUAL AND DEREK RAMSAY. Sobrang thankful din si Kris kina Piolo Pascual at Derek Ramsay na hindi nagpabayad para sa cameo roles nila sa Etiquette for Mistresses.

“Super! I mean, the two boys, ha, si Papa P at si Derek, libre.

“Si Derek pa nga ang nagregalo after.

"Hiyang-hiya ako kasi yung mommy pa nga niya ang nagpadala ng thank-you card sa akin.

"Ikinuwento ni Kim kasi na sinabi ko sa kanya, ‘Di ka ba nagpadala ng thank-you [card] kay Papa P?'

"Sabi ni Kim, ‘Ate, hiyang-hiya nga ako sa kanya. Hindi ko siya nakausap.’

"Sabi ko, ‘Di mo siya in-entertain. Nakakaloka!’

"Sobrang pakikisama yung ibinigay nila sa amin.

"Touched na touched ako sa lahat ng artista na gumagawa ng panahon at paraan para manood.

“Like last night, si Cathy [Alex] Gonzaga, nag-text talaga siya sa akin, 'Ate, nanood kami sa Shang.’

"Kanina, lunch time naman, si Julia Montes.

"Parang lahat yata ng pinuntahan ko in the past screenings at lahat ng promo na ginawa ko para sa mga movie nila, parang ngayon binabalik naman nila, so maraming salamat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa magagandang feedback at reviews ng Etiquette for Mistresses, hiling ni Kris ay kumita at maging maganda ang resulta nito sa takilya.

"We are really praying for that kasi medyo mataas yung cost, so sana mabawi.

"Yun naman ang gusto natin, para yung mga Filipino films and Filipino producers, lalong ganahan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN