Yaya Dub and Pastillas Girl spotted at Lifehouse concert

The two popular girls from two rival noontime shows, Yaya Dub and Pastillas Girl, attended the concert of American rock band Lifehouse.


Sa isang pambihirang pagkakataon ay dumalo sa parehong event ang dalawang online sensations na napapanood ngayon sa magkalabang noontime shows—si Yaya Dub o Maine Mendoza ng Eat Bulaga! at si Pastillas Girl o Angelica Jane Yap ng It's Showtime.

Si Maine ang kalahati ng phenomenal loveteam na AlDub, kasama si Alden Richards, na napapanood sa Kalyeserye ng Eat Bulaga! sa GMA Network.

Si Angelica naman ang dalagang naghahanap ng bagong pag-ibig sa “Nasaan Ka, Mr. Pastillas?” segment ng It’s Showtime sa ABS-CBN.

Sina Maine at Angelica ay parehong nanood ng concert ng American rock band na Lifehouse, na ginanap sa Mall of Asia Arena, sa Pasay City, ngayong Huwebes ng gabi, October 8.

Ilang oras bago maganap ang concert, parehong nag-post sa Twitter sina Maine at Angelica kaugnay ng panonood nila.

Whoa there, thanks for this! Wish I could make it though 😪 https://t.co/5SwNfTQMza

— Maine Mendoza (@mainedcm) October 8, 2015

Lifehouse concert later with @mrparojinog @mikey_francis and @evanshame 🎉🎤

— Angelica Yap (@angelicaj__) October 8, 2015

Samantala, nang mamataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maine, kapansin-pansin ang darker na kulay ng kanyang balat at nakasalamin din siya.

Posibleng sinadya niya ito para hindi agad makilala ng mga tao.

Napansin din ng PEP na ang kasama ni Maine na nanood ng concert ay ang sarili niyang Rogelios o security.

Sa kabilang banda, kasama naman ni Angelica ang ilang Mr. Pastillas aspirants.

Base sa aming obserbasyon, hindi nagkita sina Maine at Angelica sa concert dahil nang kantahin ng Lifehouse ang kanilang encore song, ang “Hanging By A Moment,” ay pumunta sa harap ng stage si Angelica, samantalang si Maine naman ay tumungo na sa exit at hindi na tinapos ang concert.

Habang nasa concert ay nag-post si Maine ng update sa kanyang Instagram account:

YAAAAASSSSS

A photo posted by Maine Mendoza (@mainedcm) onOct 8, 2015 at 7:39am PDT

Ilang sandali pagkatapos ng concert, nag-post din si Maine sa Twitter at sinabing nag-enjoy siya sa concert.

Kinumpirma niya ring nag-disguise siya sa pamamagitan ng pagpapaitim ng kanyang balat.

Ginamit pa niya ang hashtag na #corazon, na hango sa isang karakter sa Marimar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sometimes it feels good to do something unusual and craaaazy.. Hahaha I had fun!!!😊 #corazon pic.twitter.com/kbNKvd9AeA

— Maine Mendoza (@mainedcm) October 8, 2015

(With reports from Nikko Tuazon)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN